Jolo Revilla & Angelica Alita can't wait to get married

Jolo Revilla & Angelica Alita can't wait to get married

Ngayong Valentine's Day, February 14, inihayag ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang relasyon nila ni Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita. Ito ay matapos ang ilang linggong espekulasyon tungkol sa mga pagkakataong namataang magkasama ang dalawa. Ipinakita ni Jolo, 30, sa kanyang Instagram post ang isang litrato kung saan nakaakbay siya kay Angelica, 23, sa isang di tinukoy na lugar. Sabi ni Jolo: "Angel, happy valentine's day! Totoong masaya ang puso ko ngayon because I have you in my life. "You've been caring, loving and supportive to me. "I love you and will always will. [heart emoji]." Natutuwang inamin naman ni Angelica na sinorpresa siya ni Jolo ngayong Valentine's Day. Sa kanyang hiwalay na Instagram Story, ipinakita niya ang bouquet of roses na galing sa binata. Kalakip nito ang isang gif na nagpapakita ng kilig ng dalaga sa sweet gesture ni Jolo. Aniya: "I got a little confused when I saw you running towards the door, the only time I saw you run that fast was when you heard the binatog vendor pass by [peace, laughing with tears emojis] "May pasabog ka pala [double hearts emoji] "Thank you bebi. Happy valentine's day. @jolo_revilla"