PSC nangako ng suporta sa 2020 Paragames

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    PSC nangako ng suporta sa 2020 Paragames

    Nakakuha ng kaalyado ang Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC) sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission matapos na ipangako ni chairman William Ramirez ang suporta ng PSC para sa 2020 ASEAN Paragames na ihu-host sa Enero ng susunod na taon.

    Mula January 18 - 25, sasalubungin ng bansa ang tinatayang 2,500 athletes, coaches at officials para sa twin-event ng South East Asian Games na idaraos mula November 30 hanggang December 11 ngayong taon.

    Ibinunyag ni Ramirez na ang PSC ay nakatakdang maghatag ng P100 milyong pondo para sa hosting gayundin ang paghahanap ng karagdagang pondo sa iba pang pagkukunan.

    “We will support them because, like the SEA Games, this is also a national commitment” sambit ng sports chief, na aniya pa'y binalitaan din ang Philippine Paralympic Committee, sa pangunguna ni Michael Barredo, na nais nilang maitakda nang tuluyan ang pagsasagawa ng kanilang eleksiyon sa susunod na taon.

    “Good governance of sports associations is important, and the PSC will use its supervisory and visitorial rights on these associations to make sure that proper management is in place since public funds are being given to them,” paliwanag ni Ramirez.

    Ito na ang ikalawang pagkakataon na maghu-host ang Pinas ng multi-sports games para sa differently-abled athletes. Taong 2005, ang 3rd edition ng ASEAN Paragames ay idinaos ng bansa pagkatapos ng 23rd SEA Games buwan ng Nobyembre.(Louis Pangilinan)