Gilas matikas vs Adelaide 36ers!

Latest News

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Gilas matikas vs Adelaide 36ers!

Marubdob ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup matapos igapos ang 92-83 panalo kontra bisitang Adelaide 36ers sa tune-up game, Biyernes sa Meralco Gym.

Rumampa ang Pinas sa huling apat na minuto sa bisa ng agresibong pares ng 3-pointers ni Roger Pogoy sa pagmando ng kanilang 12-2 pasabog para tapusin ang aksiyon. Isang humaharibas na salaksak ang binitawan ni Japeth Aguilar may 35 segundo ang dumiin sa panalo para sa Gilas.

Nanguna sa Pinas si Andray Blatche sa kanyang halos triple-double na 19 points, 18 rebounds at 9 assists, hatag si Aguilar ng 17 points at nagdagdag si CJ Perez ng 12 points.

"The 36ers gave us a really good game. I felt that it was exactly what we needed. 'Yun 'yung talagang kailangan natin. Rugged, physical, playing against bigger guys," sambit ni coach Yeng Guiao matapos ang laban.

Maagang nakaungos ang mga Pinoy 25-16 bago nagawang makahabol ng 36ers buhat sa turnovers ng host team. Nagsilbing see -saw battle sa ikatlo at huling kanto ng aksiyon kung saan umariba ang ang laro ng Gilas para sa dumayong Australians. (Louis Pangilinan)