TNT tinabla ng San Miguel, 2-2!

Latest News

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

TNT tinabla ng San Miguel, 2-2!

Laro bukas
(Big Dome)
Game 5
7:00 pm TNT vs SMB

Kalma lang na nilagok ng San Miguel ang kanilang postura at porma sa kampeonato at muling rumesbak ang Beermen sa TNT KaTropa, 106-101, sa Game Four ng kanilang PBA Commissioner's Cup best-of-seven title showdown Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Pawang umiskor sina Chris McCullough, Alex Cabagnot at June Mar Fajardo ng hindi kukulangin sa tig 22 puntos, ayuda si Von Pessumal sa linya para sa kanyang katropa na may 4-of-7 three-pointers habang binulabog ni Chris Ross ang kaisipan ni Terrence Jones at naghatag ng walong assists, pitong puntos, anim na rebounds, 2 steals at tapal.

Nailatag din ng tropa ni coach Leo Austria ang gitgitang salpukan at tibagin ang KaTropa sa nakakagigil na seesaw basketball para katasin ang serye sa best-of-three affair.

Ang Beermen at KaTropa ay maghaharap para sa pivotal 3-2 lead sa Game Five Miyerkoles sa Big Dome.

Bagaman may konting komprontasyon sa pagitan ni Jones at Arwind Santos, tapos si Kelly Nabong sa papaupos na aksiyon ay mas malinis naman kumpara sa nakaraang tatlong naunang giyera.

Bago ang laro. tinanghal si Jones at Jayson Castro bilang Best Import at Best Player of the Conference awards.
Hanggang sa umpisa pa lang ng sagupaan, nagpakita agad ang Beermen ng kanilang determinasyon para magilas na humataw.
Inagaw ng KaTropa ang bentahe 52-51, sa kalahati ng laban pero muling sumalok ang Beermen ng double-digit sa second half, sa pagpitas ng 15, 84-69, na naging susi sa pagpreserba sa huling dalawang kanto.

Ngunit tila tutumbukin nang akuin ng SMB ang ang G4, sumugal pa ang KaTropa para idikit sa dalawang puntis 96-98 may 40.3 seconds pa ang nalalabi.

Pero hindi nagpakabog ang Beermen, sa pagsanig puwersa nina McCullough at Fajardo sa isang keybplay para ilista sa 100-96 sinundan nu Cabagnot at Ross ng libreng buslo para selyuhan ang panalo. (Louis Pangilinan)