Pacquiao wala na sa radar ni Mayweather

Latest News

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Pacquiao wala na sa radar ni Mayweather

bo
Las Vegas via AIRSPEED - Wala nang plano ang retiradong si undefeated Floyd Mayweather Jr., na bumalik sa ibabaw ng ring para sa rematch nila ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos ang magarbong 2015 superfight.

Ito'y ayon sa malapit niyang alipores Leonard Ellerbe nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila).

Si Ellerbe, ang chief executive ng Mayweather Promotions, ay sinabi sa boxingscene.com website na kahit na anupamang prospect ng isa pang galanteng payday ang hindi makakapagpabago ng isip ni Mayweather para bumalik sa ibabaw ng lona.

Pinaniniwalaang kikita si Mayweather ng tinatayang $300 million buhat sa puntos na panalo kay Pacquiao, na nananatiling pinakamalaking kinitang upakan sa kasaysayan at makapagtalbos ng higit $600 million revenue.

Sinabi ng long-time trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach na makabubuti na magtakda ng isang rematch ang Pinoy icon kay Mayweather matapos ang pagkatalo sa una nilang salpukan. (Louis Pangilinan)