Amir Khan gigil na kay Pacquiao

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    Amir Khan gigil na kay Pacquiao

    Matapos umiskor ng impresibong panalo si 32-year-old Mancunian Amir Khan kontra Billy Dib sa Saudi Arabia nitong Biyernes, agad na hinamon si Pambansang Kamao Manny Pacquiao, kung saan matagal na taon na niyang pinapangarap na makasagupa sa ibabaw ng ring.

    Nagtala si Khan ng fourth-round TKO win kay Dib sa Jeddah, nang ang korner ng kanyang kalaban ay naghagis na ng tuwalya hudyat ng pagsuko.

    Ang salpukan ay tinawag na kalokohan na hindi dapat nangyari. Ang laban ay itinakda sa welterweight, ang kamadong timbang ni Khan samantalang si Dib ay former featherweight world champion at huling sumabak sa super featherweight. Ibig sabihin tatlong buong weight classes ang kanyang nilagpasan sa laban.

    Suwabe ang bilis ng kamay ni Khan at kumpiyansa sa kanyang mga atake dahil alam niyang hindi siya gaanong masasaktan sa bulinggit na si Dib.

    Ang natural na timbang ni Khan ay 17 pounds ang higit na laki kaysa kay Dib. Kung kaya't hindi gaanong dapat ipagbunyi o ipagyabang ang panalo ni Khan.

    Maaalalang si Pacquiao at Khan ay nagkataong sabay na nag ensayo kung saan pareho silang nasa stable ni Hall of Fame trainer Freddie Roach. Gayunman, atat pa rin makasagupa ni Khan si Pacquiao.

    Kasalukuyang abala naman si Pacquiao at pokus sa kanyang magiging laban sa Linggo (July 21 sa Pinas) kay American undefeated champion Keith " One Time" Thurman sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.(Louis Pangilinan)