Bilang ng nahahawaan ng Covid -19 sa Kyusi dikit na sa WHO standard

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

ONE Esports and Moonton Announce Mobile Legends Professional League Invitational

20 Southeast Asian teams will compete for a $100,000 USD prize pool in a tournament presented by...

MPL-PH Season 6 regular season final standings

The sixth season of Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH) is over and the...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Bilang ng nahahawaan ng Covid -19 sa Kyusi dikit na sa WHO standard

QUEZON CITY  – Bumaba na sa pinakamababang bilang ng mga nahahawaan ng coronavirus disease (Covid-19) sa Lungsod Quezon sa loob ng anim na linggo.

 

Ayon sa OCTA Research, ang reproduksiyon na bilang, na ipinapakita kung gaano kalala ang nahahawaan ng sakit o ang bilang ng mga taong nakukuha ang virus sa siyudad mula sa infected na indibiduwal ay ngayon ay 0.67 mula Oct. 7 hanggang 13, bumaba mula 0.80 noong Sept. 30 hanggang Oct 6.

 

Nakapagtala din ang Lungsod ng 0.91 noong Sept. 2 -8, 0.83 (Sept. 9 to 15), 0.76 (Sept. 16 to 22), at 0.78 nakaraang Sept. 23 -29.

 

Ang pinakahuling data ngayo'y ay dikit na sa ideyal na reproductive number na 0.50 na itinakda ng World Health Organization (WHO).

 

Nakapag-ulat din ang City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na nakapagtala ng 89-percent recovery rate para sa mga pasyente ng Covid-19.

 

“The lowering of our reproductive number and the high recovery rate are significant as these are indications that we are doing the right thing in Quezon City. We owe it to our front-liners, our health workers and our barangay leaders, for continuing to serve our QCitizens (Quezon City citizens) with great passion and sacrifice," sambit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

 

"Our goal is to further lessen the number of people that one infected person will pass on the virus to, and at the same time, isolate and treat those who got the virus. This way, our economy gets its needed boost,” aniya pa.

 

Gayunman, sinabi niyang hindi ito rason para sa mamamayan na magpakampante, at ipinapaalala ang patuloy na ipatupad ang mga safety protocol ay mahalagang masustena sa pagbaba ng naturang sakit.

 

“This should not be a reason to relax or celebrate. We thank our QCitizens for observing health protocols. We encourage them to remain practicing social distancing and the wearing of masks in public places,” dagdag pa niya.

 

Sinabi naman ni Joseph Juico, QC Task Force on Covid-19 head, na ang pagbaba ng bilang ng nahahawaan at mataas na lrecovery rate ay importante kung saan maaring hudyat nang mapaluwag ang pagbubukas ng lokal na ekonomiya.

 

Tiwala si Juico na ang pagbubukas ng sariling molecular laboratory ng Lungsod ay higit na masustena sa pagbaba.

 

“Having our own molecular laboratory is crucial since it will boost our community testing efforts and we will be self-sufficient in terms of our testing,” ani Juico. (LP/PR/PNA).