Gobyerno hindi papayagang  mabangkarote ang OWWA, PhilHealth - Palasyo

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Gobyerno hindi papayagang  mabangkarote ang OWWA, PhilHealth - Palasyo

MANILA – Hindi  papayagan ng pambansang gobyerno na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay mapunta sa pagkabangkarote, sa pahayag ng Malakanyang, Huwebes. 
 
Ang pahayag ay siniwalat ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos na balaan ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac  na ang kanilang ahensiya ay mapupunta na sa pagkawaldas sa pagtatapos ng taong 2021 kapag nagpatuloy ang pamiminsala ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.
 
Aniya ang OWWA, isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE), ay gumagawa na ng paraan para maiwasan ang pagkatuyot ng kaban sa pamamagitan ng paghingi sa Senado para sa PHP5 billion supplemental budget at mapunuan ang kanilang gastusin para sa overseas Filipino workers (OFWs).
 
Nauna rito, hiniling ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na iantala ang pagpapatupad ng  Universal Healthcare Law sanhi ng humihikahos na budget ng state health insurer.
 
Gayunman, sinabi ni Roque, na si Pangulong Duterte at mga mambabatas ay hahanap ng paraan para mapunan ang pondo ng state-run health insurer. 
 
“Sa panahon po ng pandemya, ang OWWA at ang PhilHealth hindi po natin papayagang malugi,” ani Roque sa  virtual presser.
 
Ani Roque, kapit-bisig ang ehekutibo at sangay ng lehislatura ng pamahalaan para matiyak na ang  OFWs, partikular na yung mga nawalan ng trabaho samhi ng pandemya, ay mahahatagan  cash o kaya'y ayudang pangkabuhayan.
 
“Suportado na po ng mga senador na bibigyan sila ng supplemental budget na 5 billion at iyan po ay patunay na hindi natin pababayaan ang ating OFWs, ang ating mga mamamayan sa panahon ng pandemya,” aniya.
 
Siniguro din ni Roque  na ang embahada ng Pinas sa Kaharian ng  Saudi Arabia ay hinahanap ang napaulat na ang mga OFWs ay pinatulan na ang pagbebenta ng kanilang dugo matapos na mawalan ng trabaho para lamang mabuhay. 
 
“Pinaimbestigahan na po iyan sa ating LABATT o iyong Labor Attaché natin, as we speak, at minamabuti po natin na makarating pati po iyong mga ayuda na binibigay natin sa mga OFWs natin na hindi makauwi dahil sa lockdown,” aniya. (LP/PNA)