Parañaque pinorma ang virus test teams

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Parañaque pinorma ang virus test teams

 
PARANAQUE CITY - Ipinorma ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City ang special team na magsasagawa ng ekstensibong mass testing at contact tracing kasunod ng paglobo ng mga may kaso ng COVID-19 sa lungsod  sa nakalipas na dalawang linggo.
 
Iniatangan din ni Mayor Edwin Olivarez si city chief health officer Dr. Olga Virtusio na ipagpatuloy ang pamamahala ng pagkilos sa paglaban sa nakamamatay na virus sa mahabaang batayan. 
 
Noong nakalipas na Sabado, nakapagtala ang  Paranaque ng 827 kompirnadong kaso ng COVID-19 na may 547 gumaling at 50 namatay. 
Sa nasabing bilang, 230 o 27. 8 percent ang aktibong kaso.
 
Ang Barangay San Dionisio pa rin ang nananatiling may mataas na bilang ng kaso ng coronavirus, may kabuuang 132 confirmed cases. Ikalawa ang Baclaran na may pinakamataas na bilang ng  confirmed cases,  90 na may 44 active cases.
 
Ang mga kalye sa Barangay San Dionisio at Baclaran kamakailan lamang ay inilagay sa tatlong araw na calibrated lockdown matapos maiulat ng city health office ang 100 individuals dito ay nahawaan ng virus. 
 
Hinimok ni  Olivarez ang personnel ng  city health office at iba pang  frontliners na ipagpatuloy ang paglaban sa COVID-19, na aniya'y bilang mga lider ng komunidad, sila'y esensiyal na masigurong ang kanilang nasasakupan ay kaisa ng gobyerno sa pagsugpo sa pandemya. 
 
Aniya,  para maipatag ang kurba, ang pagpalawak sa kapasidad ng healthcare system sa siyudad at pagparami sa city testing capacity ang dapat na prayoridad.
 
 
Naniniwala si Olivarez na ang laban sa  COVID-19 ay inaasahang tatagal pa na walang itinakdang panahon o isa sa dalawang taon pa ang bubunuin. 
 
“The primary goal of the COVID-19 response is to reduce COVID-19 related deaths as well as non-COVID deaths,” ayon sa alkalde.(LP/MST)