Walang class room classes hangga't 'alang bakuna sa COVID -19! - Palasyo

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Walang class room classes hangga't 'alang bakuna sa COVID -19! - Palasyo

 
Walang magaganap na klaseng pisikal sa mga paaralan hangga't hindi pa nakakadiskubre ng bakuna ang mga siyentipiko para itaboy ang corona virus.
 
Gayundin habang hindi pa nagagamay ang tinatawag na ' new normal' na uri ng pamumuhay dulot ng pandemyang COVID -19.
 
'Yan ang pahayag  na isinawalat ni Presidential spokesman Harry Roque,  Martes sa kanyang televised briefing sa Palasyo matapos klaruhin ang sinabi ni 
President Rodrigo Duterte, Lunes patungkol sa pagbubukas ng klase sa bansa.
 
 
"Ibig sabihin po niyan, habang wala pang bakuna at habang wala pa tayo sa new normal, ‘yung wala na pong community quarantine, hindi pa rin po tayo magkakaroon ng face-to-face classroom na mga klase,” ani Roque.
 
“Kung hindi talaga dumating ang new normal at hindi mai-lift ang mga community quarantines hindi naman po ibig sabihin na hindi na mag-aaral ang ating mga kabataan.”
 
Aniya,  puwedeng gamitin ng  Department of Education  television, radio at internet para matiyak na maihatid ang mga aralin ng nga istudyante. 
 
"The bottomline is we will not compromise the health of our youth,” ani Roque.
 
Pero sa nasabing setup sigurado naman umanong mapag- iiwanan ang mahihirap na mag aaral na hindi kayang magkaroon ng naturang gadgets gaya ng laptop at iba pang uri nito.
 
"This setup, however, may put the poor "at a disadvantage," ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon.
 
Sa statement, sinabi ni Drilon na ang internet ay nanatiling balakid sa maraming Pinoy. 
 
"The internet in the country remains the most expensive yet the slowest among Asian countries. I do not see how virtual classes being proposed by the DepEd can be effectively [be] implemented across all sectors. The poor will be at a disadvantage here," ani Drilon. 
 
Itinakda ng  DepEd ang pagbubukas ng klase sa August 24 para sa  schoolyear 2020-2021. 
 
Pero,  ito'y nangangahulugan na ang mag- aaral  ay pisikal na papapasok o kaya'y sa pamamagitan ng  online dahil sa  pinapairal na enhanced community quarantine (ECQ) at general community quarantine (GCQ) sa iba't ibang bahagi ng bansa.  (LP)