COVID-19 vaccines  posible na sa 2021

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

COVID-19 vaccines  posible na sa 2021

 
Manila - Inanunsiyo ni Pangulong Digong Duterte na malaki ang potensiyal ang pagkakaroon na ng bakuna para sa pandemiya ng Covid-19.
 
Sa kanyang ulat kagabi sa Bayan,  isang pharmaceutical company ang nagsabing ang Moderna vaccines ay isang potensiyal na gamot at maaring magagamit na sa lalong madaling panahon o sa kaagahan ng taong Enero 2021. 
 
Kung kaya't dapat umanong panatilihing malusog ka at buhay hanggang January. 
 
Ani pa Digong,  maraming bansa ngayon ang nagkukumahog sa pagtuklas ng vaccines kontra mapaminsalang virus.
 
Partikular ang China, umano kung saan nagsimula ang virus ay maaring meron ng bakuna at antay na lamang sa anunsiyo nito. 
 
Ipinagyabang din ng Pangulo na may sapat na salapi ang gobyerno para makabili ng nasabing vaccines. 
 
Direkta namang idenepensa ni Digong na manatili sa puwesto si  NCRPO Chief Debold Sinas matapos ang  kontrobersiyal na ' mananita' nito kasama ang ilang police officials matapos lumabag sa 'Bayanihan Act Heal as One' na ipinapatupad sa panahon ng state of emergency.
 
"It was him who didn’t want to let go of Sinas. They say the law is the law, well, akin na yun," pagtatanggol ng Pangulo 
 
Sa iba pang isyu,  prayoridad ng pamahalaan ang  5 milyon pamilya na nadiskaril sa paghahatag sa ilalim ng subsidy program, kung saan inatasan si 
DILG Sec. Eduardo Ano na utusan ang mga LGU  na magbigay ng listahan ng mga pamilyang hindi nabigyan ng ayuda sa unang tranche ng Social Amelioration Peogram (SAP) subsidy ng gobyerno. 
 
Ayon sa DILG: may 97% SAP ang tapos  nang naipaluwal, habang ilang opisyal ang nasa ilalim ng pagsisiyasat dahil sa ilang maanomalyang paghahatag. 
 
Sinabi ni  DSWD Sec. Rolando Bautista na ang second tranche subsidy ay hindi pa naibabahagi sa LGUs ngunit sa halip katuwang na mamahagi ang  AFP/PNP.
 
 "There were some who returned subsidy because of doubling; some LGUs do not want to submit list of left-out families anymore." ani Bautista. 
 
Binalaan din ni Pres. Duterte ang mga opisyal sa pandarambong ng subsidy na sila'y mananagot sa batas,  kung saan sakali umanong muling tumaas ang nahawaan ng virus ay ibabalik ito sa orihinal na programa. 
 
Nangangamba naman si NTF Chief Implementor Carlito Galvez Jr. dahil sa problema ng gobyerno sa kalagayan ng  OFWs kung saan may 27,000 ngayon ang naka-quarantine sa Metro Manila at 42,000 ang parating pa at ang pagdagsa nito ay hindi kakayanin kung paano isasagawa ang akomodasyon sa mga hotel. 
 
Ani Galvez, ang 22,432 OFWS ang na- test ng Red Cross, 465 ang positive. Posible anyang magkaroon ng second wave kung hindi idaan sa testing.  
 
Ani pa Galvez, target na ng pamahalaan ang mag- lockdown by barangays at hindi na by regions. Inatasan na rin ang pagpapauwi sa mga OFWs na nagnegatibo sa COVID-19, kung saan wala na rin umanong frontliners partikular ng mga doktor ang namamatay mula sa  COVID-19  ngayong buwan. 
 
Iniulat ni Galvez na ang pagtaas sa  COVID-referral hospitals ay 4 to 23. Ang mga mall na hindi susunod sa  protocols ay ipasasara. (Louis Pangilinan) 
 
photo courtesy :PINASBALITA.ORG