GAB, ikinagalak ang muling   pagsigla ng horseracing

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    GAB, ikinagalak ang muling   pagsigla ng horseracing

    Slow lang sa diskarte, ang pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na madagdagan ang mga binuksang off-track betting stations (OTBS) na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) ay nagresulta sa positibong pagtaas ng kita ng mga OTBS operators, gayundin sa buwis ng pamahalaan matapos ang halos walong buwang pagsadsad ng industriya bunsod ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.
     
    Sa karagdagang 26 OTBS na nag-operate sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ), inilabas ng GAB-Horse Racing Betting Aspect Division ang official sales report mula sa tatalong premyadong horseracing club sa bansa -- Metro Manila Turf Inc. (MMTCI), Manila Jockey Club Inc. (MJCI), at Philippine Racing Club Inc. (PRCI) – simula noong September 6 hanggang  October 25. 
     
    Batay sa datos, umangat ng 45.20%  (P9,923,091) ang kinita ng may kabuuang 72  OTBS kumpara sa (P6,834,010) kinita na may 45 pa lamang na betting kiosks na pinayagang mag-operate sa National Capital Region at Region IV-A.
     
     “We are grateful to IATF for recognizing the plight of our OTBS operators and for finally allowing horse racing events and OTBS operations to resume in the country,” ani GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.
     
    Sinimulan ni Mitra nitong Hunyo 10 na ipresinta sa IATF Executive Committee ang nabuong ‘health and safety protocols’ ng GAB, sa gabay ng grupo ng mga ekspero sa medisina. 
     
    Ngunit, pansamantala itong nabinbin habang patuloy ang pagkalap ng mga impormasyon hinggil sa tamang programa na magagamit ng publiko sa pagbabalik ng horseracing .
     
    Nitong September 6, opisyal nang nagbalik ang horseracing  matapos ma-finalized ang ‘specific guidelines’ para sa operasyon ng OTBS, kabilang ang one-time betting policy, advance betting policy, at social distancing, gayundin ang mga tamang patakaran sa mismong karerahan.
    Matapos ang pilot testing sa 45 GAB-accredited OTBS, pinayagan na rin ang pagbubukas ng karagdagang 26 betting kiosks batay sa Resolution No.79 na napagkasunsuan ng IATF at Metro Manila mayors.
    “This is a good sign for the horse racing industry that despite the pandemic that we are experiencing right now, we are slowly recovering and fortunately, based on the sales data, much better than before,” sambit ni GAB Commissioner Eduard Trinidad.
     
    Ikinagalak din ni Commissioner Mario Masanguid ang muling pagbabalik sigla ng horseracing industry sa kabila ng patuloy na paglaban ng pamahalaan sa mapamuksang Coronavirus.(LP)