Iligal bookies, nalambat ng GAB-MPD

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Iligal bookies, nalambat ng GAB-MPD

    MANILA - SA gitna ng COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang iligal na gawain ng mga bookies sa ilang lugar sa Kamaynilaan. Ngunit, hindi nagpapabaya ang Games and Amusements Board (GAB).
     
    Sa pakikipagtulungan at tamang koordinasyon sa mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Station 4, nasakote ng Anti-Illegal Gambling Unit ng GAB, sa pamumuno nina Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad ang anim na mananaya sa isinagawang pagsalakay sa illegal bookies nitong Oktubre 18 sa Maria Clara Street, Sampaloc, Manila.
     
    Ito ang ikatlong pagkakataon na sinalakay ang naturang bookies na nagtatago bilang playstation. 
     
    “Kahit ano pang pagpapanggap ang gawin nila, masasakote namin sila dahil masugid ang aming programa para matigil ang ganitong uri ng trabaho na kumikitil sa buwis ng ating pamahalaan na nagagamit sana sa tama higit at nasa krisis tayo dahil sa COVID-19 pandemic,” pahayag ni Mitra.
     
    Iginiit ni Mitra na pinaigting ng GAB ang koordinasyon hindi lamang sa kapulisan bagkus sa komunidad upang madaling matukoy ang mga aktibidad at operasyon ng illegal bookies sa horceracing, sabong at iba pang mga laro.
     
    Kinumpiska ng MPD ang lahat ng nasamsam na kagamitan na ginagamit sa bookie, habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga nahuling indibidwal sa naturang iligal na sugal.(LP/GAB)