Kapit lang PLBA!

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Kapit lang PLBA!

Masakit man sa damdamin na mas tinitingala pa sa ibang bansa ang tropang nagbibigay ng karangalan sa tinubuang lupa, kaysa sa sariling bayan na walang gaanong alam sa pagkakakilanlan ng kahusayan nito sa pandaigdigang kumpetisyon.

 Mayroon bang makapagsasabing naka-posisyon bilang ikalawa sa pinakamagaling na koponan sa Asya at isa sa mga nirerespeto sa buong mundo ang mga manlalaro’t atleta ng Philippine Lawn Bowls Association (PLBA) – pagbubunyag ni Ronalyn Redima Greenlees, Officer-in-Charge ng naturang grupo na sumungkit ng anim na medalya, kabilang ang isang gold sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games sa bansa.

Kakulangan ng popularidad, lugar na pagdarausan at premyadong sponsors ang pumipigil sa mabilis na paggulong ng pagkilala sa naturang pampalakasan na madalas na nakikita ng karamihan bilang recreational sports o libangan lamang, higit na sa mga nakatatanda.

“Dito sa Pilipinas hindi kami kilala, pero sa ibang bansa kilalang-kilala kami. Maituturing kong 2nd best kami in Asia, Malaysia pa rin ang angat but not much kase ang facilities nila compare sa amin is different, so dun sila nakalalamang sa amin. So, sa world category naman may laban kami,” sambit ni Greenlees sa lingguhang TOPS: Usapang Sports na live mapapanood sa Sports on Air sa Facebook page nito at suportado ng Philippines Sports Commission (PSC), Pagcor at Games and Amusements Board (GAB).

“Outside Philippines kilala kami. We’ve won sa Asia-Pacific we got a few times naka-gold kami, twice sa single, sa triples naka-gold din kami sa New Zealand, sa World Championships we have numerous medal na ginaganap every 4-years na parang Olympic Games na kailangan muna mag-qualify sa Asia,” dagdag ng dating pinuno ng PLBA.

Dumating ang sandali na sinukuan na rin ng 49-anyos na Pasacao, Camarines Sur-native ang pagkuha ng mga sponsors upang makatulong na mas mapaunlad pa ang larong Lawn Bowls sa Pilipinas, ngunit dahil sa walang may interes na magbigay tulong sa kanila lalo na sa paglalaan ng pasilidad at mga kagamitan, na tanging nakukuha lamang nila mula sa suporta ng PSC; isinantabi na muna nito ang suportang manggagaling sa mga pribadong sektor.

“Unfortunately, I tried my best, I’m the very first president ng Lawn Bowls sa Pilipinas, many times na nag-try akong makakuha ng sponsor, ngayon nag-give up na ako, hindi kami ganun kakilala dito sa Pinas, hindi tulad ng ibang sports na kahit maliit pa lang alam na nila. Walang mag-sponsor sa amin hindi kami pinapansin. Wala kaseng gustong makinig sa amin,” himutok ng dating 2016 Christchurch World Championships sa 4 event.