Online Wai Kru Competition sa Oktubre 29

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Online Wai Kru Competition sa Oktubre 29

Nakatakdang idaos sa Oktubre 29, 2020 simula ika- 8 hanggang 11 ng umaga ang kaunaunahan sa Pilipinas maging sa buong Asia ang " ONLINE WAI KRU COMPETITION "

na itinataguyod ng International Amateur Muay Thai Fed - Philippines at ng Kickboxing Assn of the Philippines sa pakipagtulungan ng International Muay Thai Fed at AITMA ng Ayutthaya Thailand.

Ang torneo ay inorganisa at tinustusan nina Rolando " Rolly " R. Catoy at Anecito "Cito" Gesta, presidente at vice president ng nasabing grupo ayon sa pagkakasunod.

Panauhing pandangal sina Dr. Channarong Suhongsa, pangulo ng IMTF at AITMA, Dr. Amnart Saichalard, Ph.D ng Thailand Ministry of Education na parehong Muay Thai Grandmasters at Muay Thai at Karate Coach Efren G. Barros.

Ang Wai Kru ay isang rituwal na ginagawa ng 2 Muay Thai fighters bago maglaban. Ito ay pagpapakita ng pagpapasalamat, respeto at pagmamahal sa magulang mahal sa buhay, mga muay thai master ngayon at sa mga namatay na at higit sa lahat sa Diyos. Marapat na ka Mongkol o sacred head band at prajeat o armband. Ang Wai Kru day ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Marso 17 ng taon.

Dahil sa Covid -19 pandemic at bawal pa ang contact sports at social gathering ay napagplanuhan ni Gm Rolly Catoy at Gm Cito Gesta ang Online Wai Kru kung saan ang bawat contestant ay magawa ang Wai Kru maaring sa kanyang bahay, sa gym o sa park kung saan maaari siyang makagalaw ng maayos habang kinukunan ng video ang kanyang Wai Kru.

Ang torneo ay lalahukan ng mga Muay Thai practitioners muĺa sa regions 3, 4A, 7, 8, 9, 11. Bukod sa mga medalya ay mayroon din cash prize sa mga mananalo.
Maraming salamat sa mga regional director na sina Kru Dondon Gesta, Sha Florece, Froilan Gesta, Jover Gonzaga, Melvin Ordona. (LP)

-30-
1. Dr. Channarong Suhongsa, pangulo ng IMTF at AITMA,

2. Dr. Amnart Saichalard, Ph.D ng Thailand Ministry of Education