Swimmer Jasmine Mojdeh, lumalaban sa kabila ng pandemya

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Swimmer Jasmine Mojdeh, lumalaban sa kabila ng pandemya

HINDI lang pisikal bagkus ang mental conditioning ang pangunahing programa na dapat maihatag sa atletang Pinoy sa gitna ng patuloy na umiiral na community quarantine dulot ng COVID-19 pandemic.

Sa kasalukuyang sitwasyon kung saan limitado pa ang galaw para sa aktuwal na pagbabalik ensayo ng mga atleta sa amateur level, sinisikap ni Joan Mojdeh, ina ni National Junior record holder Michaela Jasmine Mojdeh na maibigay ang tamang nutrisyon at mental conditioning maging sa iba pang miyembro ng kanilang Philippines B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team) at Swimming League Philippines (SLP).

“Malaki po talaga ang epekto sa mga swimmers at sa lahat ng atleta ang nangyaring lockdown. Kaya kami naman po ay talagang nakasuporta sa mga bata. Regular naman po ang monitoring ng Philippine Swimming Inc. (PSI) sa mga member ng National Team at kami naman sa club naming focus din na mapanatili yung kahandaan nila through online workshop and training,”
sambit ni Mojdeh sa kanilang pagbisita sa Tabloids Organizations in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air via Zoom nitong Huwebes.

Ayon sa 13-anyos, freshman sa Brent International School-Laguna na si Jasmine, nakakapanibago ang kawalan ng mahabang oras na ensayo, ngunit pinipilit nilang mapanatiling kondisyon ang mga sarili para maging handa sakaling mabalik na ang sitwasyon sa tunay na normal.

“Nakakahinayang po yung mga tournament na hindi natuloy. Pero dahil bawal pa po yung training sa labas lalo na po at underage kami, sa bahay na lang muna kami sa maliit na pool tapos online workshop po,” pahayag ng multi-titled age-grouper at international campaigner sa TOPS na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), PAGCOR at Games and Amusement Board (GAB). 

Kabilang sa torneong nakansela na lalahukan sana ni Jasmine ay serye ng age-group meet sa Japan at Singapore nitong Marso, gayundin ang qualifying para sa South East Asian Age Group at Olympic Games. 

“Hopefully, next year po mabalik na sa normal ang lahat and ready naman po si Jasmine to swim in the qualifying meet for SEA Age Championship at sa SEA Games sa Vietnam,” sambit ni Mojdeh.

Nakadagdag din sana sa karanasan ni Jasmine ang pagsabak sa World School Games sa London, South East Asian Age Group sa Malaysia, Hong Kong National Open, Asean Schools Games sa Pilipinas at Junior Pan Pacific Meet sa Hawaii na pawing nakansela ng pandemya.

“Medyo matinding adjustment po ngayon dahil online schooling sila, tapos online workshop at konting training sa aming maliit na swimming pool kasama niya yung ibang miyembro ng aming club,” aniya