Apat na disiplina ang pagkakaabalahan ngayong pag-usapan sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air via Zoom, ang swimming, squash, archery at basketball.
Inaasahang maghahatag ng kanilang update sa patuloy na pagsasanay sa kabila ng kasalukuyang community quarantine sina National Junior swimming record holder Micaela Jasmine Mojdeh, gayundin ang mga miyembro ng Philippine Squash team, sa pangunguna ni coach Robert Garcia.
Panauhin din sa programa na mapapanood ng live sa Facebook at YouTube sa papamagitan ng Sports on Air at itinataguyod ng Games and Amusements Board (GAB), Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR si PH archery coach Rosendo Sombrio ar CEU basketball mentor Chico Manabat.
Inaaanyayahan ang lahat na makiisa at makilahok sa talakayan ganap na 10 ng umaga. Host ng programa ang beteranong sports journalist/broadcaster na si Ernest Hernandez.