MANILA – Muling humablot si James De Los Santos ng 'Pinas ng panibagong gold medal matapos pagharian ang online Venice Cup.
Tinalo ng former Southeast Asian Games gold medalist si Nejc Sternisa ng Slovenia, 25.2-23.7, sa final para mahablot ang kanyang ika-12 gold ng taon.
Naghatid ang resulta kay De Los Santos na makadikit sa top spot sa world rankings lalo na sa kasalukuyang number one online karateka sa ngayon, si Eduardo Garcia ng Portugal ay maagang umiksit sa kompetisyon.
Tinagpos ni Garcia ang gahiblang 23.7-23.9 decision sa Round of 16 kay Hugh Connolly ng Ireland, na nabigo kay Sternisa sa quarterfinals sa katiting din agwat.
Sa kabilang dako, si De Los Santos, ay nakalibreng sampa sa final matapos ang kanyang dapat na semifinal opponent na si Matias Moreno ng Switzerland, ay nagpasintabi dahil sa karamdaman.
Nauna nang giniba ni De Los Santos si Scott Taylor ng Canada at Kevin Petry ng Luxembourg.(LP/PNA)