Good news para sa Baguio Athletes 

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    Good news para sa Baguio Athletes 

    BAGUIO CITY – Makakapagbulsa na ang mga Baguio athlete na nanalo sa pang- internasyunal na kompetisyon nung nakaraang taon kasama na ang Southeast Asian Games (SEAG), ng kanilang insentibo  mula sa city government sa lalong madaling panahon matapos na aprubahan ng  City Council na ilipat ang pondo para sa nasabing layunin. 
     
    “The money for it will not revert to our savings,” ani city administrator Bonifacio dela Peña. 
     
    Halagang PHP865,000 ang isinusog buhat sa  local finance committee na maibibigay para sa naturang hangarin. 
     
    “Now, they (athletes) are assured to get their incentive even without completing their requirements, which they can do in the coming months,” sabi ni dela Peña na sinulatan ang  City Council nung nakaraang linggo na payagan ang pag-transfer ng pondo.
     
     
    Kinakailangang magsumite ang mga atleta ng  certificates of achievement mula sa kani-kanilang respektibong National Sports Association (NSA), official results, at barangay certificate bilang patunay na sila'y mga residente ng siyudad. 
     
    Nauna nang ang mga atleta ay nagsabing hindi makakakuha ng naturang dokumento dahil sa  coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic na nagresulta ng  community quarantine at mapigilang bumiyahe pa- Manila.
     
    Ani Dela Peña ang halagang  PHP820,000 ay para sa mga  medalist nung 2019 SEA Games habang ang PHP45,000 ay intensyon para sa insentibo sa mga   winner ng  world para-bowling team.
     
    Si Paul Rillorta ng City Sports Office ay nagsabing ang 21 SEAG athletes ay makakatanggap ng kanilang incentives.
     
    Mayroong  41 medalists mula Cordilleras sa nakaraang SEAG ngunit 20 ang nadisikwalipika na nakakuha na ng kanilang insentibo buhat sa kanilang respektibong  local government units.
     
    Karamihan sa mga atleta ay naka-enroll  sa  Baguio schools at pamantasan.
     
    Si 2-time world taekwondo Poomsae champion and SEAG gold medalist Jeordan Dominguez, isa sa mga atleta na nakatanggap ng kanyang  incentive, ay nagsabing ito'y makakatulong sa kanyang pag-aaral at kasamahang  taekwondo athletes.
     
    “Sana nga po ma-release na para makatulong sa mga kapwa taekwondo athletes ko,” ani Dominguez.(LP/PNA)