Pasado na sa huling yugto ng Department of Health (DOH) ang molecular laboratory ng Pasig City para sa proseso ng pagpaparehistro at sertipikasyon ng mga laboratoryo at pwede nang mag-operate sa sunod na linggo.
Inihayag ni Secretary Vince Dizon, National Policy kontra Covid-19 Deputy Chief Implementer, ang magandang balita sa pagbisita niya nung Biyernes sa mga opisyal ng Covid-19 Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa pamumuno ng Inter-Agency Task Force for the Management Emerging Infectious Disease (IATF) at NTF sa Pasig City.
Iniulat ng Department of Health (DOH) na may 4,935 bagong coronavirus disease 2019 (Covid-19) infections, sa kabuuang 66,455 active cases. Ito ang naghatid sa kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa Pilipinas na 257,863.
Sa kanilang Covid-19 case bulletin, iniulat din ng DOH ang 659 karagdagang nakarekober at 186 deaths, na nagtaas sa kabuuang bilang ng recoveries at fatalities sa 187,116 at 4,292, ayon sa pagkakasunod.
Sa pinakabagong kaso, 2,619 ay galing sa National Capital Region (NCR), sinundan ng Cavite. 343, Laguna 258, Rizal 227, at Negros Occidental na may 177.
Tinukoy ng DOH na ang mga bagong kaso 4,034 o 82 percent na nangyari aa nakalipas na 14 days mula August 30 hanggang September 12.
Amg mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga bagong kasong naiulat sa nakalipas na dalawang linggo ay ang NCR 2,025 o 50 percent, Region 4-A (Calabarzon) 872 o 22 percent, at Region 3 (Central Luzon) 330 o 8 percent.