Magsisilbing espesyal na panauhin sina PhilippineTable Tennis Federation president Ting Ledesma, Phoenix Petroleum head coach Louie Alas, PBA legend Ed Cordero at Game on Sports founders Lia Calingacion at Krizanne Ty sa pang- Huwebes na edisyon sa ika-11 "Usapang Sports on Air" ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
Ihahatid ni Ledesma ang mga aktibidad ng PTTF at kanilang pambansang atleta sa panahon ng anim na buwang tambay sa larangan dulot ng coronavirus pandemic.
Tatalakayin naman ni Alas ang paghahanda ng Fuel Masters bunsod ng iminumungkahing pagpapatuloy ng PBA na isang NBA-inspired bubble sa susunod na buwan, gayundin ang tyansa ng koponan sa muling paglalaro.
Balik tanaw si Cordero sa kanyang makulay na playing days sa University of Santo Tomas sa UAAP, ang Philippine team sa ABC Youth Championships noong 1980 hanggang sa kanyang paglalaro sa pamosong Toyota/Beer Hausen teams sa PBA.
Ihahayag ni Calingacion at Ty ang kanilang plano para sa Game On Sports, kasama na ang "Pillar of Children's Wellness sa New Normal" program.
Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People's Tonight ang lahat ng officers at miyembro, kaibigan sa sports community na dumalo sa lingguhang public service program sponsored ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Si Veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez ang moderator.(LP/TOPS)