Landlords na nagpapalayas sa mga health worker mananagot kay DU30

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Gulf Coast Triumph: Jared Anderson Dominates Ryad Merhy

    Jared "The Real Big Baby" Anderson did not have a particularly eager opponent in Ryad Merhy, but...

    NM Ferriol 2nd sa Penang Open Chess

    by Marlon BernardinoGeorgetown, Penang, Malaysia---Nagwakas nang malakas si National Master Gerald...

    The Lakers secure a playoff berth with 110-106 win over the Pelicans

    LeBron James had 23 points, nine assists and nine rebounds, and the Los Angeles Lakers secured a...

    Landlords na nagpapalayas sa mga health worker mananagot kay DU30

     
    LAS PINAS CITY- Tahasang binalaan ni Pangulong Digong Duterte ang mga landlord (may ari ng paupahang bahay) na mananagot sa pagpapalayas sa mga health worker dahil sa Covid -19.
     
    Sa kanyang virtual tv briefing, sinabi ni Digong sa mga landlord na nagpa-alis sa mga health worker ay hindi sila papayagang i-admit sa ospital sakaling sila naman ang tamaan ng virus.
     
    "Those landlords evicting health workers should  not be allowed to be admitted to hospitals, " ani Duterte. 
     
    Pinayuhan naman ng Pangulo ang mga health worker na dumiretso nang tumawag kay Chief implementor Sec.  Carlito Galvez para sa kaukulang assistance at kung kinakailangan ay bigyan ng matutuluyan at pagkain. 
     
    Sa nasabing meeting,  itinalaga ni DU30 bilang bagong Philhealth President  si dating NBI Chief Dante Gierran, isang abogado at accountant bilang kahalili ng nagretirong presidente na si Ricardo  Morales. 
     
    "Maghanap ka (Gierran)  ng makulungan ng mga tiwaling Philhealth officials" sambit ni DU30, patungkol sa anomalyang nagaganap sa naturang ahensiya ng kalusugan. 
     
    Inatasan din ng  Pangulo na tanggalin ang mga Philhealth Regional vice presidents, pag- reshuffle sa BuCor, NBI,  at Philhealth regional offices.
     
    Ayon pa sa Pangulo, consistent ang pamahalaan sa layuning maibalik sa bansa ang mga OFW. 
     
    May 170,000 na ang bilang ng mga bumalik na Overseas Filipino Workers (OFWs)   sa bansa, ayon kay Defense  Secretary Delfin Lorenzana. 
     
    Sa kagawarang pang-edukasyon, sinabi ni DepEd secretary Leonor Briones na may 97% ng public schools ang enrolees, 43% lang ay sa pribadong paaralan dulot na rn ng kawalan ng trabaho at bagsak na ekonomiya ng bansa na sinagasaan ng pandemya. 
     
    "We opened despite naysayers like the Left and critics who wanted an academic freeze.  One documented case of student who committed suicide because  of COVID, students will be equipped for basic health literacy;  mental health  and psychosocial support  services,  we have, " pahayag ni Briones. (Louis Pangilinan)