Manila - Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod at ng Manila Traffic and Parking Bureau ang limang units ng motorsiklo at helmet na ipinagkaloob sa kagawaran ngayong araw, ika-31 ng Agosto.
Mula ang mga behikulo kina Mr. Stephen Wong, President, Filipino-Chinese Shin Lian Association Inc.; Mr. Wan Zeng Wang David, President, Confederation of Filipino Chinese Alliance of Commerce, Inc.; Mr. Jerry Chua, President, Philippine Chinese Commerce and Overseas Association Inc.; Mr. Andy Co, Fuijan General Business Association; Mr. Nelson Guevarra at Chairman Jefferson Lau.
Taos pusong nagpasalamat si MTPB Director Dennis Viaje para sa natanggap na donasyon na higit na makatutulong upang maipatupad ang batas-trapiko sa lungsod.
"Nagpapasalamat po tayo sa mga nagbigay kahit mahirap ang buhay ngayon dulot ng pandemya ay meron pa din pong tumutulong sa ating opisina. Asahan n'yo pong pagbubutihin pa namin ang aming trabaho," aniya. —KDS