NCR atbp., GCQ pa rin sa buwan ng 'Ber'!

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    PH PRIDE: Filipino chess master Lorenzo Aaron Cantela naghari sa Thailand Chess tourney

    by Marlon BernardinoManila---Nagwagi kamakailan si Lorenzo Aaron Cantela, isang national master sa...

    UAAP Season 86 Men’s Football Tournament

    NINE-MAN University of the East achieved its most significant result of the UAAP Season 86 Men’s...

    PROFESSIONAL FIGHTERS LEAGUE SIGNS HOTTEST FREE AGENT IN ALL OF MMA, PAUL HUGHES, TO EXCLUSIVE, MULTI-FIGHT CONTRACT

    The Professional Fighters League (PFL), the fastest-growing and most innovative sports league, is...

    NCR atbp., GCQ pa rin sa buwan ng 'Ber'!

    Inilatag ni Presidential spokesperson Harry Roque ang lahat ng mga panuntunan na dapat sundin ng mamamayan sa panibagong bugso ng community quarantine ngayong buwan ng Setyembre, 2020.

    Sa isinagawang virtual press briefing ni PDU30, ipinaliwanag ni Roque ang guidelines ng MECQ, GCQ, MGCQ, kung saan ang huli'y pinapayagan ang 50% na mga pagtitipon, konsiyerto, at live events.

    Tinukoy naman ni Health secretary Francisco Duque na bumaba ang kaso ng mga tinamaan ng virus sa panahon ng MECQ salig na rin sa pakiusap ng mga medical frontliners na mabigyan sila ng oras na makapagpahinga at ilatag ang mga komprehensibong plano sa pagsugpo sa pandemya.

    Kasabay na rin ng pasasalamat ni Duque sa lahat ng medical frontliners at tiniyak ang pagkaroon ng life insurance, transportasyon at iba pang amelioration kasunod ng naipasang Bayanihan Act 2 kabilang na ang 15K para sa mild cases.

    Ani pa Duque, 21,934 na mga health worker para sa covid ang prayoridad na may 378 post residency physician.

    Inirekomenda naman ng Inter Agency Task Force (IATF) sa pangunguna ni NTF Chief Implementor Sec. Carlos Carlito Galvez,Jr., na sasailalim sa MECQ ang lugar ng Iligan, habang GCQ pa rin ang NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban, Bacolod, habang ang iba pang bahagi ng bansa ay sa Modified General Community Quarantine (MGCQ).

    Ayon kay Galvez, umakyat ang kaso ng
    mga nagka-covid sa Iligan, gayundin ang Zamboanga dahil sa LSIs (Locally Stranded Individuals).

    Iniulat din ni Galvez kay PDU30, na kinikilalang mga bayani ang mga doktor, nars, health workers, working non-stop, kasunod ng pagdiriwang sa Araw ng mga Bayani ( Agosto 31).

    Aniya pa, tumaas na ang kapasidad ng ospital sa paglaan ng 1,000 kama kabilang na ang ICUs ER.