GCQ: Muntinlupa may bagong ordinansa alak

Latest News

Latest Reviews

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

MPL-PH: BREN Esports move to 6-0 as week 4 kicks off; Blacklist International take down Execration

BREN Esports has maintained their dominance into week 4 as they move to 6-0 in the season after...

MPL-PH: Aura PH & Omega PH dominate Blu Fire & BSB; ONIC PH pull-off nailbiter over Cignal Ultra

Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 6 week 4 day two was been a wild...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GCQ: Muntinlupa may bagong ordinansa alak

Gumawa ng bagong regulasyon ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa City matapos amyendahan ang liquor ban para sa pagbebenta at konsumpsyon ng inuming nakalalasing (alcohol beverages) sa panahon ng  general community quarantine (GCQ).
 
Inaprubahan ni Mayor Jaime Fresnedi ang City Ordinance 2020-119 na nagpapahintulot sa pagbebenta at pagkunsumo ng alak sa mga pangnegosyong istablisimyento na may basbas ng  Inter Agency Task Force (IATF) at iba pang nagpapatupad na mga awtoridad sa panahon ng  GCQ.
 
Nauna rito ipinatupad ng lokal na gobyerno ang liquor ban sa lahat ng level sa community quarantine.
 
Sa ilalim ng bagong ordinansa, ang pag inom ng alak ay tanging pinapayagan lamang sa kanilang pribadong mga tahanan sa mga konsyumer. Ang social drinking sa mga indibidwal sa kaparehong residente ay nanatiling bawal.
 
Samantala, ang pagkunsumo ng mga alcoholic beverage sa pampublikong lugar gaya ng  restaurants, resto-bars at iba pang commercial establishments ay kailangang regulated — pinakamarami na ang dalawang botelya para sa serbesa at dalawang baso para sa hard drinks, wine at whiskey.
 
Ang mga lalabag ay magmumulta ng P500 para sa unang  offense, P1,000 sa ikalawang  offense at P2,000 sa mga susunod na opensa. 
 
Ang mga lalabag na mga menor de edad ay bibigyan ng matinding babala para sa  first offense, withdrawal ng scholarship grants buhat sa local government o multa P500 para sa non-grantees sa second offense at P1,000 para sa mga susunpd na opensa, na ang multa ay sasagutin ng kanilang magulang o guardians.
 
Ang mga lalabag na mga  business entities ay papatawan ng multang P5,000 at pagsasara,  suspension o pagbawi ng  business license at pagkakakulong ng isang taon. (LP/MT)