CHED sanib-puwersa sa PSC, GAB, DOH sa paalala: Sundin ang panuntunan

Latest News

Latest Reviews

Basketball

  • Raptors smack wounded Warriors 123-109 despite Curry’s 47

    The shorthanded Golden State Warriors were pushed around by a focused Toronto Raptors squad in...

  • Boxing

  • Bakbakan sa Ilocos Sur 2022: Knockout win target ni Toyogon kontra Tejones!

    Isasagad na nina boxing prodigy Al Toyogon at kalabang Joe Tejones sa main event ang kani-kanilang natipong...

  • Golf

  • Glutamax Men strengthens hold on lead

    BAGUIO CITY—Aian Arcilla once again led with his 25 points as Team Glutamax Men soared to an 87...

  • Popular News

    Oscar Valdez-Liam Valdez Showdown to be Contested for WBO Interim Junior Lightweight World Title

    The stakes have just gotten higher, When Oscar Valdez and Liam Wilson face off this Friday at...

    CHED sanib-puwersa sa PSC, GAB, DOH sa paalala: Sundin ang panuntunan

    Isinaboses din ng Commission on Higher Education (CHED) ang paalala ng Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health na inihatag ang Joint Administrative Order (JAO) sa pagpapatupad ng physical activities at sports sa isang virtual meeting, Miyerkoles kaugnay sa alegasyon ng pag-eendayo ng ilang unibersidad, pinaalalahanan ang mga pamantasan at kolehiyo na sumunod sa naaangkop na panuntunan.

    Binanggit ni CHED Chairman Prospero De Vera III na ang kanilang ahensiya, na namamahala sa tertiary education sa bansa, ay nagpalabas ng maraming patalastas at guidelines buhat pa noong Marso na pinapayuhang ang mga istudyante na manatili sa kanilang mga tahanan.

    Ito'y markado sa mga panuntunan na inisyu ng IATF at ng tri-agency-issued JAO. “Safety of our students is the topmost concern,” ani De Vera.

    Itong pahayag ay sumasalamin mariing paninindigan at paalala ni PSC Chairman Butch Ramirez ma ang kanyang statement ay kaugnay dito sa isyu na anh bujay at kaligtad ng mga atleta ay, “important that no medal can ever equal.” Sa kaparehong statement, pinayuhan din ni Ramirez ang sports officials na palaging panatilihin ang kaligtasan ng kanilang mga atleta ang “top priority.”

    Sinabi ni University Athletics Association of the Philippines (UAAP) Executive Director Rebo Saguisag at UAAP Season 83 President Nonong Calanog na ang unibersidad na kinukwestyun ay ngayo'y pinapinalisa ang kanilang pangloob na pagsisiyasat at inaasahang ang UAAP na makakatanggap ng final report bago ang kanilang pulong bukas (Biyernes). Hiniling din ng UAAP na kumuha ng paglilinaw mula sa iba pang miyembrong unibersidad na ang volleyball athletes ay may alegasyong nagsasanay din, sa kabila ng restriksyong inilatag ng gobyerno.

    Pinasalamatan ni PSC National Training Director Marc Velasco si De Vera at muling inulit ang panindigan ng PSC ang kaligtasan ng mga atleta ang una.

    “The PSC will always push to uphold the issuances regarding sports and physical activity and we are happy that CHED is a steady partner when it comes to sports in universities and colleges,” ani Velasco.

    Sang-ayon din si GAB Chairman Abraham Mitra sa input ng CHED.

    “Gave the group another perspective on these issues” and actively gave examples of how the GAB handles similar situation on professional sports," ani Mitra.

    Nasa pulong din sina CHED Executive Directory Atty. Cindy Jaro at DOH Health Promotion and Communication Service Head Rodley Carza.

    Inaasahan ng grupo na may kinatawan ang dalawang unibersidad na lumahok sa susunod na meeting sa September 1, na umaada silang maresolba ang isyu at gawin ang pinal na aksyon.