Ang mga pinakahuling nagbabagang isyu sa basketball, boxing at marathon ang pangunahing tatalakayin ngayon sa 9th "Usapang Sports on Air" hatid ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
Sina Blackwater Elite coach Nash Racela at manedyer Jacob Munez, boxing champion Mark "Magnifico" Magsayo at former Philippine Air Force captain Joenel Pogoy ang babandera sa listahan ng nga panauhin dito sa lingguhang serbisyo publikong programa na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Pag-uusapan nina Racela at Munez ang tungkol sa NBA-inspired bubble na pinaplano ng PBA para sa posibleng pagsisimula muli sa October.
Ihahayag naman ni Magsayo ang kanyang tiyansa kontra kay American fighter Jose Haro sa kanilang closed-door fight sa Microsoft Theater sa Los Angeles sa Sept.23.
Ito ang unang laban ni Magsayo sa ilalim ng MP Promotions.
Ibabalita ni Pogoy ang kanyang balak para sa pandemic-disrupted Laban ng Lahi races.
Imbitado ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng opisyal at kasapi na sumali sa talakayan.
Si Veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez ang moderator.
Ang TOPS ay kinapalooban ng mga patnugot, mamamahayag at potograpo sa mga nangungunang national tabloids sa bansa.
Nagsimula ang TOPS “Usapang Sports” sa bago nitong platform nito lang nakaraang July 2 bilang pagresponde sa pandemya.