MANILA - Nagsagawa ng inisyatiba ng pagpupulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagitan ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP), Department of Health (DOH), at ng Games and Amusements Board (GAB) patungkol aa isyu ng pagsuway sa health protocols ng pamahalaan sangkot ang UST basketball squads.
Magalang namang hindi nagpaunlak ang University of Sto. Tomas sa naturang imbitasyon para linawin ang isyu.
"We were informed that the University concerned is now conducting their own investigation and that UAAP shall share information in the following days." sa statement ng PSC.
Kinikikilala ng PSC ang UAAP bilang mother organization sa sangkot na koponan at tiwalang nararapat na aksyon ang gagawin sa nasabing usapin.
Pinaalala din ng PSC ang hinggil sa probisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines sa physical activities at sport, gayundin ang Joint Administrative Order na inisyu ng PSC, GAB at DOH na sa pagpapatuloy ng sport ay kailangang laging iniobserba ang protocol sa kalusugan sa panahon ng pandemya.
Ang PSC, sa ngayon ay naghayag ng kanilang pag- aalala para sa kaligtasan ng mga atleta. Sa lahat ng konsiderasyon sa panahon ngayon, ang kaligtasan ng atleta ang dapat na laging isinasaalangalang.
Ang naturang diyalogo ay dinaluhan nina Marc Edward Velasco - National Training Director, PSC, Abraham Mitra – Chairman, Games and Amusements Board (GAB), Atty. Rebo Saguisag - UAAP Executive Director, Nonong Calanog - UAAP 83 President & DLSU Athletic Director at Rodley Carza - Department of Health Representative. (Louis Pangilinan/PSC)