Klinaro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi libre ang vaccines na manggagaling o ang inalok ni Russian President Vladimir Putin kapag opisyal na ang distribusyon ng Sputnik V at aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) sa bansa at kung gaano ito kaepektibong panlaban sa Covid-19.
Sa kanyang panghatinggabing press briefing sa television mula Davao City, pinasalamatan niya rin si Chinese President Xi Jin Ping, Russia sa alok na pagbibigay ng bakuna kung saan hihiling siya ny credit line o hulugan para magamit ito ng mga Pinoy.
Samantala, mariin namang pinabulaanan ni DU30 na umano'y bumiyahe siya papuntang Singapore sakay ng pribadong eroplano, dahil kung gusto daw naman niya ay bakit pa daw itatago.
"I am under no obligation to travel on secret and not tell the republic, stop this non-sense about me going to Singapore. If I travel, wala kayong pakialam, I enjoy what you citizens enjoy, me with more reason, matagal na akong walang bakasyon, " mariing pahayag ni Digong.
"If one leaves, usually you leave to the deputy, vice president but I will not do that, If I leave, usually leaves it to Bingbong (Medialdia) or Guevarra (SOJ), if things are topsy turvy, maybe secretary of defense, " aniya. (Louis Pangilinan)