Para mapagkalooban ng wastong kalinga para sa paggamot ng mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 at hangaring makatulong sa mga lokal na frontliners para mabawasan mula sa kanilang mabigat na trabahong nakaatang, nag-alok ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng libreng psychosocial support at serbisyong pagkalusugan sa kaisipan sa pamamagitan ng online at limitadong harapang konsultasyon.
Ang Muntinlupa Mental Health at Psychosocial Support (MHPSS) provides psychological first aid at psychiatric check-up, kasama na ang psychotherapy, sa bisa ng Mental Health and Wellness “Alay Malasakit" Program ay magbibigay serbisyo para sa mga residente ng Lungsod na nagpositibo sa COVID-19, suspect cases, frontliners, at ng general public na nakararanas ng pagkabalisa at stress sa panahon ng pandemya.
Sa isang Facebook post, inaanyayahan ng MHPSS ang mamamayan ng siyudad na nakakaranas ng fatigue, depression, takot sa COVID-19, hirap sa pagtulog sanhi ng pagkabalisa bunsod ng nakaka- stress na sitwasyon, o kaya'y may kaisipang kitlin ang buhay (suicidal) ay magpadala lamang ng mensahe para makakuha ng kanilang libreng online mental health consultation.
Isinasagawa ang Mental Health Psychosocial First Aids at online counselling sa pamamagitan ng Muntinlupa Mental Health Psychosocial Support Services Facebook page.
Kasado rin ng Psychiatric and Mental Health Crisis e-prescription para sa self-injurious/suicidal at acute amphetamine psychosis, at iba pang naaayon sa mga kinauukulan ay pwede rin sa MHPSS FB page o kaya'y direkta kay Dr. Nicanor Echavez’ Messenger, Viber (0977 277 4402), o mag- email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. mula Lunes hanggang Biyernes, 1:00 PM hanggang 5:00 PM