MANILA - Sa kalagitnaan pa lang ng taong 2020, nailagak ng Philippine Sports Commission (PSC) ang higit sa Php 351 million sa sports ng mga top Tokyo Olympic bet.
Sa kabila ng tinatahak na hamon sa pananalapi at laksang suliranin dulot ng COVID-19 pandemic, itinuloy ni PSC Chairman Butch Ramirez na mapunan at nasustena ang suportang ipinagkakaloob para sa golden Olympic dreams ng bansa.
Masinop na ginampanan ng PSC ang lahat ng commitments para mapanatili ang pangarap ng gintong medalya sa Olympic kahit na bumaba ang badyet matapos na ilagay sa Bayanihan Act I ang P596 Million at P773 Million mula sa ahensiya ng sports ang National Sports Development Fund and funds buhat sa General Appropriations Act (GAA), ayon sa pagkakasunod.
“It has been quite a challenge but we hope to keep our commitment to fund and support our athletes who have shown strong determination and chances in winning our first Olympic gold,” paliwanag ni PSC Chairman William Ramirez.
Sa talaan, ipinapakitang ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang may pinakamataas ng suporta mula sa ahensiya na may higit P20.2 Million, sinundan ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na may P13 Million at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na nakuha ng P7.8 Million.
May tatlong National Sports Associations (NSAs) kung saan ang Olympic qualifiers, pole vaulter Ernest John Obiena, boxers Irish Magno at Eumir Marcial at gymnast Carlos Edriel Yulo ang kabilang dito.
Si Tokyo campaigner Carlos Edriel Yulo, na nakabase sa Japan, ay nilaanan ng higit P 3.8 million para sa unang bahagi ng 2020 para sa pang araw -araw niyang gastusin, gymnastics training, at iba pang miscellaneous expenditures.
Nakakuha siya ng slot sa Tokyo Olympiad nang mahablot ang gold medal sa Men’s Floor Exercise event sa 2019 World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany na may P7.6 million suporta buhat sa PSC noong 2019.
Nakatanggap ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) ng P11.2 Million, P3.8 million dito ay suporta para sa paghahanda ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.
Si Tokyo Olympic shoo-in Diaz ay nakatanggap ng pinakamainam na suporta sa PSC mula January hanggang June 2020 bilang suporta sa kanyang kampanya para sa unang ginto ng bansa sa Tokyo Olympics.
Ang pondo ng PSC ay kinapalooban ng kanyang buong training camp sa Malaysia para sa pagkain at allowances, kasama na ang budget sa kanyang foreign coach Kaiwen Gao at core team na kinatampukan ng sports science personnel, strength and conditioning coach, sports nutritionist, at physical therapist.
Nakalantad din si Pole vaulter Ernest John Obiena bilang Tokyo Games qualifiers ay suportado ng halos Php 1.3 million para sa unang kalahati ng 2020. Noong 2019, nagbigay ang PSC ng kabuang tinatayang Php 12.5 million kay Obiena, na kasalukuyang nakapirmi sa Italy para sa kanyang preparasyon sa Games.
Si Olympic-bound boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno kasama sina 2019 AIBA World Boxing Champion Nesthy Petecio, Riza Pasuit, Carlo Paalam, James Palicte at Ian Clark Bautista ay tumanggap ng cumulative amount na Php 5.3 million noong 2019 na nagbunga sa nakalipas na taong Southeast Asian Games ng kabuuang 7 gold, 3 silver, at 2 bronze medals. Naglaan din ang PSC ng Php 1.7 million budget para sa national boxers mula January -June 2020.
“We are doing what we can for our national athletes. We want them to stay focused on their goals and to stay positive while aspiring for Olympic glory. We want to remind them that PSC is always here to help them achieve success in any way that is possible.” sambit ng sports chief.
Sinabi ni National Training director Marc Edward Velasco na ang training ng mga atleta sa panahon ng krisis, ay tiniyak na ligtas ang mga training facility.
“Our facilities will undergo massive disinfection first and other important repairs. Then we will have all the athletes tested before they step into the premises to train,” ani Velasco, na sinigurong “we would ensure that the safety and integrity of the athletes and the venues are maintained.” (LP/PSC)