MANILA – Bilang pag-obserba sa ika-75 anibersaryo sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, optimistikong nagpahayag ang Palasyo na kailangang 'mamuhay pa rin ng mapayapa' ang mga Pinoy.
Ibinatay ang United Nations’ (UN) Charter 1945, sinabi ni Spox Harry Roque na mahalagang ang: “practice tolerance and live together in peace with one another as good neighbors; and to unite our strength to maintain international peace and security.”
“Today, August 15, we commemorate the 75th anniversary of the end of World War II in the Pacific,” pahayag ni Roque kahapon sa press statement. “May we all have a solemn and meaningful remembrance of today's memorable occasion.”
Ani pa Roque, ang naturang okasyon ay kailangang magsilbi oportunidad sa mga Pinoy na mag -alay ng dasal sa kanilang ninuno na matikas na nakipaglaban sa mga mananakop para sa bansa.
Hinimok din niyang sandaling katahimikan at usalin ang nga katagang nakalimbag sa UN Charter.
Nakasaad sa UN Charter, ani Roque: “We the peoples of the United Nations determined to save succeeding generations from the scourge of war, which twice in our lifetime has brought untold sorrow to mankind; and to reaffirm faith in fundamental human rights, in the dignity and worth of the human person, in the equal rights of men and women and of nations large and small.”
Taong Aug. 15, 1945, sumuko ang Japan sa Allied Forces sa Pasipiko, daan para wakasan ang World War II na kinukonsiderang nagsimula noong Sept. 1, 1939, kasunod ng pagsalakay ng Germany sa Poland.
Noong Disyembre 20, 2018, nilagdaan ni PDU30 ang Republic Act (RA) 11164, kung saan itinaas ang monthly old-age pension ng mga Filipino war veterans na sumabak sa panahon ng World War II, Korean War, at Vietnam War mula PHP5,000 hanggang PHP20,000.
Sa ilalim ng RA 11164, ang pagtaas ng pensyon ay tanging para sa nabubuhay pang mga beteranonh Pinoy .(LP/PNA)