Manila - Ano na ba ang pinakahuling balita kay marathoner Mary Joy Tabal ay sa kanyang kampanyanh makahablot ng tiket para susunod na taong Tokyo Olympics?
Anu ano ang mga naging epekto ng nakamamatay na COVID - 19 disease sa kanyang pag eensayo sa todong tinamaan ng pandemya - ang Cebu? At ano na ang kanyang papel sa bagong lunsad na Milo Homecourt sports program?
Ang mga katanungan ay malalaman ngayon (Huwebes) sa pang ala-diyes na programa sa 7th "Usapang Sports on Air" ng Tabloids Oranization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom.
Nakalinya ring panauhin sa lingguhang public service program na isponsor ng Philippine Sports Commission (PSC) ar Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at mapapanood ng live on Facebook at YouTube ay si Justin Tan bg MPBL team Mindoro.
Si Tan, na humalili bilang coach bg Mindoro Tamaraws sa MPBL noong nakaraang taon, ay tatalakayin niya ang plano ng koponan gayundin ang kanyang pinakabagong proyekto ang Isolation Basketball Championships.
Bisita rin si Ciarra Sotto, ang Presidente ng Philippine Pole & Aerial Sports Association (PPASA) at Ayjell Acejas, Vice President.
Iniimbitagan nibTOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers at miyembro na sumali sa talakayan.
Si veteran sportscaster Ernest Leo Hernandez ang moderator.
Ang TOPS ay kinaaniban ng mga editor, reporter at photographer ng mga nangungunang tabloid sa bansa.
Sinimulan ng TOPS “Usapang Sports” ang bagong platform ng talakayan nitong lang nakalipas na buwan dahil sa COVID-19 pandemic.
Ang nakaraang TOPS “Usapang Sports on Air” ay nilahukan nina PSC commissioner Ramon Fernandez and Philippine Taekwondo Association (PTA) official Stephen Fernandez noong July 2; Games and Amusements Board (GAB) Chairman Baham Mitra at Youth Football League president Mike Atayde last July 9; Congress of Philippine Aquatics (CPA) president Eric Buhain and Philippine Olympic Committee (POC) secretary–general Atty. Edwin Gastanes last July 16; GM Eugene Torre, National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty.Cliburn Orbe at University of the East coach Jean Alabanza, July 23; Milo AVP Lester Castilo, PTA coach Igor Mella at SEA Games champion Pauline Lopez. July 30; at football legend Anton del Rosario, triathlon champion Kim Remolino at Pilipinas Sambo secretary-general Paolo Tancontian, Aug. 6. (LP/TOPS)