HINUGOT ng lokal na siyudad ng Imus ang serbisyo ng Union Bank of the Philippines (UnionBank), sa pamamagitan ng EON, sa target na e-government na maging episyente at sa epektibong paghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan.
Unang gagamitin ang EON sa “Lingap Imuseño” program, kung saan ang tulong pinansiyal ay maihahatag sa Imuseños para matulungang makaluwag sa hinaharap sanhi ng kawalan ng salapi dulot ng pandemya.
Ang EON account, sa bisa ng EON VISA card, ay puwedeng makapag-withdraw ang kanilang mamamayan mula sa anumang ATM nationwide o pambayad sa mga pinamili na accredited merchant establishments o online.
“The City Government of Imus can count on our full support in its initiatives towards e-government. Enabled by technology, we are fueled by passion to elevate lives and fulfill dreams,” pahayag ni Paolo Baltao, SVP at Head ng EON Banking.