Timog, Quezon City - Umapela ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Department of Health (DOH) sa pagsigurong makumpleto ang mga impormasyon sa lahat ng nagpositibong indibidwal sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) para matukoy at mapalakas ang kanilang contact tracing.
Sa liham kay Health Secretary Francisco Duque III na may petsang August 4, sinabi ni Mayor Joy Belmonte na ang kabiguan ng ahensiyang maghatag ng kumpletong impormasyon sa ilang kaso ng pagkaantala sa contact tracing ng mga araw, at puwersahang ang mga frontliner sa paggugol ng oras sa kailangang impormasyon mula sa iba pang posibleng pagkukunan kabilang na ang social media.
“The lack of available information from the outset, specifically addresses and contact numbers, amounting to half of all cases reported, delays contact tracing by days,” ani Belmonte.
Sa kakulangan ng impormasyon, ani Belmonte ang mahalagang panahon at resources ay nagugugol sa pag-coordinate sa disease reporting units (DRU), laboratories, at hospitals “to request information that should have been diligently filled up in the first place.”
Sinambit niya noong Aug. 3, iniulat ng DOH na may 1,224 COVID-19 cases mula Aug. 1 - 2 sa bisa ng kanilang COVID KAYA information system.
Kaugnay dito, ang 401 ay nasa City Epidemiological Surveillance Unit (CESU) master file ng kompirmadong kaso, o nakontak na at na-contact traced ng CESU. May 241 kaso na may addresses o contact numbers o naiulat ng QC Health Department.
Gayunman, 573 ng mga may kaso o 47% ay walang mga address o contact numbers, walang paraan ang CESU kundi ilagay sila bilang “unknown.”
“This means that almost half of the reported cases tagged as QC in the KAYA info system for these days have no addresses and contact numbers, posing a major challenge in contact tracing,” ani Belmonte, dagdag pang itong mga posibleng kaso ay hindi residente ng Kyusi.
Kanya ring binanggit na bigo ang DOH na magkaloob ng impormasyon tungkol kung anong ospital o laboratoryo ang nagsasagawa ng swab tests sa 35 positive cases.
“With that, we appeal to your good office as Secretary of Health to set the vision and direction in improving data quality for rapid contact tracing,” sabi ni Belmonte kay Duque.
Sabi pa ni Belmonte ang DOH ay kailangang magkaloob ng financial o non-financial incentives para sa quality data at iimplementa ang kaparusahan i- sanksyon sa hindi kumpletong impormasyon o kabiguang iulat ang data.
“As we increase our investment in logistics and human resources for contact tracing, we hope that LGU efforts are matched by leadership and action from DOH in improving data quality,” aniya.
Sinang-ayunan ni CESU head Dr. Rolly Cruz ang panawagan ni Belmonte sa DOH, sa pagsasabing maaring mas madali para sa contact tracers ng lungsod na gawin ang kanilang trabaho na may kumpletong data na nasa kamay.
“The DOH would be of great assistance to our contact tracers if they will provide us with sufficient data. This way, we can cover more ground efficiently,” wika ni Cruz.
Kamakailan ang Kyusi Quezon City government ay umangkat ng 15 sasakyan bilang karagdagang sa 15 ginagamit at ilagay sa 700 army ng contact tracers para tugunan ang panawagan ng gobyerno na pabilisin ang contact tracing. (LP)