MANILA -Buhos ang suporta ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa mga programa ng pamahalaan kontra COVID-19 sa pagkakaloob ng higit sa 500 laptops bilang workforce ng iba't ibang opisina ng gobyerno kabilang na ang Inter-Agency Task Force (IATF).
Ang Office of the President - Presidential Management Staff (PMS) sa pamamagitan ni Assistant Secretary Joseph Encabo ay tatanggap ng 300 laptops at panibagong 100 para sa COVID-19 technical working group sa pamumuno ni IATF Deputy Chief Implementer Vince Dizon.
Nakatakda ring mabahaginan ng ilang units para sa proyekto ni Senator Christopher Lawrence Go, ang Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program (BP2).
"Board readily approved the request." hayag ni PSC Chief of Staff and National Training Director Marc Velasco.
"These are units used during the country's hosting of the Southeast Asian Games last year, they will be put to good use with these donations," paliwanag pa ni Velasco.
Sa liham na naka-address kay PSC Chairman Ramirez, si Encabo, na siya ring pinuno ng Hatid-Tulong Initiative, ay humihingi rin ng asiste ng ahensiya ng mga volunteer na maitalaga para sa loob ng dalawang linggo sa ilalim ng PMS, para matulungan sa pagproseso sa pagbabalik ng mga stranded individual.
"This will help fast track our actions on the concerns of the LSIs (Locally-Stranded Individuals)," paliwanag ni Encabo sa kanyang sulat. (LP/PSC)