Malasakit ni Buhain sa Swimming

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Malasakit ni Buhain sa Swimming

HABANG hinihintay pa ang pagbabalik sa  normal na estado ang amateur sports, kabilang na ang swimming, ipinahayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na magsagawa ng mga programa para matulugan ang mga coaches, trainers at iba pang indibidwal sa sector ng sports na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
   
“Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coaches at mga kaibigan bago pumutok ang COVID-19. Kasama sa programa namin ang magsagawa ng taining at seminars, but with COVID-19 pandemic, natuon ang pansin namin sa fund-raising para matulungan natin ang ating mga kasama na umaasa sa swimming,” pahayag ni Buhain.
    
Bukod sa maliit na halagang ayuda, gumagawa na rin ng programa ang COPA para mabigyan ng ‘loan’ ang mga swimming coaches and trainors para sa sisimulang maliit na negosyo tulad ng online selling para masustinahan ang kanilang kabuhayan.
 
 “Natutuwa kami at marami tayong mga kaibigan na talagang nagbigay ng tulong, so far mahigit 500 swimming group na ang tumutulong sa COPA. Yung unity at malasakit ay buhay na buhay sa swimming community,” sambit ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom sa pamamagitan ng Sports on Air at livestream sa YouTube at Facebook.
 
    Suportado ni Buhain ang panawagan ng swimming community na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng swimming hindi lamang para sa kabuhayan bagkus sa katatagan ng mga atleta. “May mga pag-aaral naman na talagang nagsasabi, mismong DOH sinabi na namamatay ang virus sa tubig na may chlorine at acid which is matatagpuan sa tubig sa swimming pool. Under strict health protocol at dadaan muna sa rapid test bago kumpetisyon, kaya naman na maibalik na ang swimming,” sambit ni Buhain. “(DS)