Boxing at horseracing may go signal na sa IATF

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Boxing at horseracing may go signal na sa IATF

Pinayagan na rin at makababalik na sa kanilang kabuhayan ang professional boxers at horseracing, gayundin ang mga lisensiyadong individual sa industriya mula sa Games and Amusement Board (GAB), habang inaasahan na lalawak pa ang mga sports na posibleng payagan sa mga susunod na araw sa mga lugar na pinapatupad amg mas pinalambot na General Community Quarantine.

Matapos ang paglilinaw ng GAB sa mga naunang pahayag ng Inter-Agency Task Force, kinatigan ang naunang desisyon nina DILG Secretary Eduardo Ano at DOLE chief Silvestre Bello ang ‘go-signal’ sa boxing batay sa ipinapatupad na health protocol.

“Aprubado na rin po ang pagbiyahe ng ating mga boxer para makalaban sa abroad. Ipinaliwanag naman naming na tulad ng mga OFW (Overseas Filipino Workers) kabuhayan ang nakataya sa ating mga boxer sa paglaban sa ring lalo na sa abroad,” pahayag ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via zoom at livestreaming ng Sports on Air sa YouTube at Facebook.

“For more than three months, talagang kawawa ang ating mga boksingero. No fight, No pay ang mga ‘yan. Pareho namang ite-test ang magkalabang boxers, at papayagan lamang ang laban after lumabas ang resulta ng COVID-19 test,” ayon kay Mitra.

Sa panig ng horse racing, opisyal nang magbabalik ang industriya sa Hulyo 19 sa Manila Turf.
“Actually talagang sakripisyo ang industriya ng karera, patalo itong mangyayari sa Metro Turf dahil hindi pa rin pinapayagan ang mga OTB ( Off-Track Betting) na pinagmumulan nang pondo ng karera. Pero, at least napayagan na tiyaga lang tayo,” pahayag ni Mitra.

Batay sa health protocol, ipinagbabawal ang Inter-Island boxing promotions at nililimitahan lamang sa 10 ang manonood sakaling ang lugar na pagdarausan ay nasa ilalin ng ECQ.

“I’m calling and pleading with our boxing promoters, matchmakers at organizers. Mga kaibigan natin silang lahat, huwag muna tayong dumayo. Pinayagan na tayo, stay put lang. Kung sa GenSan, mga taga-GenSan lang ang maglalaban, bawal ang mula sa Davao o anumang panig ng bansa,” sambit ni Mitra sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.

Nilinaw naman ni Mitra na nakabinbin pa rin ang request ng Mixed Martial Arts, gayundin ng iba pang contact sports para sa kanilang pagbabalik.

“Nagpapasalamat tayo ay unti- unti pinapayagan na tayo magbalik sa ‘new normal’. Yung talagang rules before ay ‘No vaccine, No sports’, kaya bantayan natin ito at agad na ireport yung mga abusado para naman hindi maapektuhan ang buong organisasyon,” sambit ni Mitra, patungkol sa sabong na tila nahihirapan sa planong makabalik bunsod ng serye ng mga iligal na tupada na nagaganap sa bansa.

“Actually, yung walong gaffer (mananari) na kabilang sa 49 na nahuli sa illegal na tupada sa Batangas, recently, ay binawian na naming ng lisensya.

Konting tiis po sa ating mga kaibigan sa sabong para naman hindi maapektuhan ang buong industriya.
Inaasahang mas maraming sports organization na rin ang mapapayagan dahil sa mas pinalawak na Joint Administrative Order (JAO) na isinumite ng GAB-PSAC at DOH sa IATF Technical Working Group.

“Yung MPBL, PVL at Superliga, SBP parang nagkukumpara bakit daw sila ay hindi isinama sa JAP. Tanging PBA at Football League lang. Ang tanong ko sa kanila, sanctioned ba kayo ng GAB? Nagsumite ba kayo ng request sa amin. Siyembre hindi namin kayo dedepensahan dahil hindi naman kayo under jurisdiction ng ahensiya,” pahayag ni Mitra.

Nakatakda ang pagpupulong ngayon ng GAB sa IATF kasama ang iba’t ibang sports organization tulad ng MPBL, PVL, Superliga at collegiate league NCAA at UAAP. (LP/TOPS)