Ibinunyag ni Kyusi Mayor Joy Belmonte na nagpositibo siya sa coronavirus disease.
Gayunman sinabi din niyang maayos pa naman ang kanyang pakiramdam at wala pang anumang sintomas ng virus.
Isinasagawa na rin ng pamunuan ang contact tracing para dun sa mga taong kanyang nakasalamuha kamakailan.
Sinabi niya rin na ito'y paalala sa bawat isa na maging ekstrang maging maingat at gawin ang mga panuntunan ng pamahalaan para maiwasan ang COVID-19.
Ang Quezon City ang siyang may pinakamaraming kaso ng virus sa Kamaynilaan na umabot na sa 3,869 kaso ng COVID-19 mula Hulyo 7, 2020.(LP/KAMI)