MANILA –Puntirya ng pamahalaan ang maasistehan ang higit sa 5,000 locally stranded individuals (LSIs) na makabalik sa kani-kanilang lalawigan sa ilalim ng Hatid Tulong Program, ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Assistant Secretary Joseph Encabo.
Ayon kay Encabo, in-charge ng programa may 3,570 LSIs na biyaheng Mindanao ang makikinabang sa programa na nagsimula na nung Sabado, July 4, dagdag pa ang ang halos 2,000 namang biyahe para sa Luzon at Visayas na nakaiskedyul na ihatid July July 5.
"This day we have Mindanao except for the Caraga Region and tomorrow we will be accommodating LSI's bound for Luzon and other islands in Visayas and Palawan," ani Encabo.
"Caraga Region is under moratorium status along with the Region 6 (Western Visayas) and Region 8 (Eastern Visayas). When you say moratorium, there is a high risk of Covid-19 cases in the area. We are just following the IATF (Inter-Agency Task Force) guidelines," aniya pa.
Ang programa, sabi ni Encabo, ay inisyatiba ng pamahalaan na bigyan ng masasakyan ang mga nabalam o na-stranded sa Metro Manila dulot ng lockdowns at paghigpit sa pagbiyahe sanhi ng pandemya.(LP/PNA)