GAB umapela sa IATF para sa professional sports

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GAB umapela sa IATF para sa professional sports

Ang liderato ng Games and Amusements Board (GAB) na pinamumunian nina Chairman Abraham Kahlil B. Mitra at Commissioners Mar Masanguid at Ed Trinidad ay nagdesisyong ilapit sa Inter Agency Task Force (IATF) ang kalagayan ng mga propesyunal na manlalaro na apektado ang kalagayang pinansyal bunsod ng kawalan ng hanapbuhay na isa sa masamang epekto ng Covid19 pandemic.

Kaugnay nito ay umapela ang GAB sa IATF para sa amat-amat o bahagyang pag-usad ng mga aktibidad na may kinalaman sa mga propesyunal na laro at libangan sa kondisyong ito ay tumatalima o alinsunod sa mga specific health protocols na itinalaga ng DOH.

Agad na nakipag-usap si GAB Chairman Mitra sa mga kinatawan ng DOH at PSC Technical Working Group upang buuin ang Joint Administrative Order (JAO) na naglalaman ng patnubay sa pagsasagawa ng mga health-enhancing physical activities at income generating professional sports events sa kasagsagan ng pandemya.

Nitong Huwebes, iprinisenta ni USEC. Brigido C. Dulay, Foreign Affairs Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns, ang JAO sa mga miyembro ng IATF upang pagtibayin, na pagkatapos ng mga diskusyon at argumento bilang paglilinaw, ay agarang umani ng pag-apruba ng IATF.

Ang pag-apruba ng IATF ay nangangahulugan na pinapayagan na ang pagsasagawa ng mga pagsasanay na gawain ng mga propesyunal na manlalaro ng basketball at football sa mga low risk areas.

Matatandaang ang PBA at PFF ay humiling sa GAB ng ayuda upang payagan silang makapag-ensayo sa panahon ng pandemic.

"Nagpapasalamat kami sa IATF sa pagdinig sa hinaing ng maraming propesyunal na manlalaro na halos 4 na buwang nabakante ang aktibidad upang paghusayin ang kanilang mga sarili sa sa mga larong kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.

Ang pag -apruba ng IATF ay isang magandang development sa kalagayan ng propesyunal na laro sa panahon ng pandemic,” ani Mitra.

"Sana ang mga isports gaya ng boxing and other contact sports ay umani din ng katulad na pagpayag ng IATF. Sa kasalukuyan ay may mga inaayos pa na protocols sa pagsasagawa nito gaya pcr testing at ng zero audience pansamantala kung kinakailangan upang makaiwas sa pagkalat ng CoVID19, basta makita lang natin na umuusad at muling nabubuhay ang kalagayan ng propesyunal na laro sa ating bansa,” aniya. (LP)