TOPS' Usapang Sports: Prayoridad ang Atleta sa panahon ng pandemya - Fernandez

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

TOPS' Usapang Sports: Prayoridad ang Atleta sa panahon ng pandemya - Fernandez

Ang estado ng Pambansang Atleta ang dapat na bigyan prayoridad, partikular na ang mga dadayo sa Olimpiyada sa 2021 sa Tokyo, Japan ayon kay Philippine Sports Commission-Officer-in-Charge Commissioner Ramon Fernandez.

Sinabi ng PBA Legend na si Fernandez, na nakatakda silang mag-usap ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham 'Bambol' Tolentino ngayong darating na Sabado sa pamamagitan ng online meeting.

Isa sa mga pag-uusapan umano nila ay ang pondo para sa mga atleta na sasabak sa 2021 Tokyo Olympics, kung saan ay inamin niya na kailangan na muling maghanap ng pondo para dito gayung ang ipinangakong halaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na 100 milyon piso ay nagamit na para sa kampanya ng bansa laban sa COVID-19.

"Mabigat ang pinagdadaanan ng bansa. So if you can remember, may P100 Million na ipinangako si President Duterte para sa Athletes natin for the Olympics, pero dahil nga sa COVID-19, naibalik ito sa pondo ng gobyerno para gamitin sa mga pasyente ng virus. But definitely pag-uusapan namin 'yan with the POC. Handa naman tumulong din si Cong. Bambol (Tolentino) para sa mga atleta," pahayag ng tinaguriang El Presidente ng PBA sa kanyang pagdalo sa kauna-unahang online forum ng TOPS:Usapang Isports, Huwebes ng umaga.

Kamakailan ay nagpahayag ang PSC ng kakulangan ng pondo para sa allowances ng mga National Athlete, dahil sa walang pondo na pumapasok buhat sa PAGCOR para sa National Sports Development Fund (NSDF), bunsod ng lockdown dahil sa COVID-19.

Dahil dito ay napilitan ang PSC na bawasan ng 50% ang allowance ng mga atleta ngayong buwan upang umabot ang pondo hanggang Disyembre.

Ngunit nangako naman din sila na sa oras na maibalik ang pondo y ibabalik din kaagad ang pera ng mga atleta, kung saan ay nagpahayag din ang POC ng pagtulong para 'di na umano mabawasan pa ang allowance ng mga atleta.

Bukod dito ay natalakay din ni Fernandez na bilang lider ng PSC, ang kalahagahan ng bakuna kung saan aniya, magiging maayos lamang ang lahat at maibabalik ang sigla ng mundo ng palakasan sa bansa kung magkakaroon na ng bakuna kontra covid.

"Siguro sa ngayon mas mainam na talunin muna natin ang virus. Kapag may bakuna na para d'yan mas okay siguro 'yun. Sa ngayon, Diyos lang ang nakakaalam kung hanggang kailan tayo ganito eh. But definitely matatapos din ito," ani Fernandez.

Mismong siya ay dumaan din sa swab testing kasama ang kanyang asawa na si Karla Kintanar-Fernandez, gayung siya ang uupo bilang pinuno ng PSC pansamantala habang nakabakasyon si Chairman Butch Ramirez.

Kasalukuyang naka quarantine si Fernandez sa loob ng 14 na araw habang hinihintay din ang resulta ng swab test.

Sinabi ni Fernandez na mhalaga din na sumaan siya sa swab testing bago pamunuan ang PSC gayung galing siya sa Cebu City na tinatayang may linakamaraming bilang ng positive caaes at kasalukuyang naka-lockdown. (LP/TOPS)