Mananari yari sa GAB!

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

Mananari yari sa GAB!

Maaring bawian ng lisensiya ng Games and Amusement Board (GAB) ang walong ‘gaffer’ (mananari) na kabilang sa 49 katao na nadakip sa iligal na tupada na isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng NBI-Region 4A kamakailan sa Batangas City.

Mariing kinondena ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra ang nasabing aktibidad na tahasang paglabag sa ipinatutupad na community quarantine sa ilalim ng Bayanihan Act para maabatan ang COVID-19 pandemic.

Iginiit ni Mitra na walang puwang sa ahensiya ang iligal na gawain kung kaya’t inirekomenda na sa GAB Board na kinabibilangan din nina Commissioner Ed Trinidad at Mar Masanguid ang agarang pagbawi sa lisensya ng walong mananari.

“Nakalulungkot pong isipin na sa kabila ng programang isinusulong ng GAB para mailagay sa ayos ang ating mga worker sa industriya ng sabong, heto at marami pa ring ang pinipiling sumama sa mga ilegal na tupada. Hindi po natin papayagan na sirain ng ilan ang industriya,” pahayag ni Mitra.

Matapos italaga ng Pangulong Duterte, kaagad na inaksyunan ni Mitra ang pagpapalawig ng lisensya para sa manggagamot, sentensyador at mananari sa sabong, bilang karagdagang mandato sa pag-regulate ng mga isinasagawang international derbies sa bansa.

Kinilala ang mga lisensyadong ‘gaffers’ na sina Elmer R. Enrico (BDr05-L18-00411; Edilberto C. Clanor, Jr. (CF-G-3760); Windel William P. Uy (CF-G-6080); Noel B. Santos (CF-G-4431); Roldan C. Sison (CF-G-3712); Rommel A. Panganiban (CF-G-3734); Jomar T. Marasigan (CF-G-3730) at Roger A. Munoz (CF-G-3718).

Ayon kay Mitra, asahan ang mas mahigpit na pagbabantay ng GAB sa mga lisensyadong personnel sa lahat ng professional sports at mga laro na nasa pangangasiwa ng ahensiya at umaasa siyang magsisilbi itong leksyon sa lahat upang makaiwas na masangkot sa iligal na gawain.(LP)