TOPS' Usapang Sports aarangkada ngayon sa bagong porma

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao join Green Archers

Ex UST cagers Mark Nonoy & Deo Cuajao formally committed to La Salle in meeting with DLSU team...

Bren to rule VCT Stage 2 PH Challengers opener

Hashira completed a Cinderella run as it stunned heavy favorite Bren Esports, 3-2, in the grand...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

TOPS' Usapang Sports aarangkada ngayon sa bagong porma

Bagong taktika ng balitaktakan ang masisilayan sa panibagong yugto sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ngayon matapos ang mahigit tatlong buwan pagkatengga dahil sa ipinatupad na community quarantine sa bansa dulot ng COVID-19.

Maglalaan ng mahahalagang detalye hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng Philippine sports si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez sa kauna-unahang pagtatanghal ng TOPS sa online platform sa pamamagitan ng Zoom.

Itinalagang Officer-In-Charge ang dating PBA four-time MVP simula sa pagpasok ng buwan ng Hulyo bilang pansamantalang tagapangasiwa ng ahensiya matapos humingi ng bakasyon si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Makakasama rin sa talakayan na magsisimula alas- 10:00 ng umaga ang Philippine Taekwondo Team, sa pangunguna ni grassroots development program chief at Olympian Stephen Fernandez.

Ang ‘Usapang Sports’ ng TOPS ay itinataguyod ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at PSC.

Inaanyayahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat, higit ang mga miyembro na makiisa sa talakayan na pangungunahan bilang host ni sports broadcaster Ernest Leo Hernandez.(LP)