PSC kume Kiram target parangalan ang mga babaeng atleta

Latest News

Latest Reviews

Lina transfers to UP, applies for VAAS program

Former Gilas Pilipinas Youth stalwart Bismarck Lina is working on his transfer to University of...

ONE Esports and Moonton Announce Mobile Legends Professional League Invitational

20 Southeast Asian teams will compete for a $100,000 USD prize pool in a tournament presented by...

MPL-PH Season 6 regular season final standings

The sixth season of Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH) is over and the...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

PSC kume Kiram target parangalan ang mga babaeng atleta

MANILA – Hangad ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram na mabigyan ng pagkilala ang mga babaeng atletang nagbigay ng karangalan sa bansa. 
 
Inilahad ni Kiram na kanyang kinokonsidera na ilagak sa pedestal para parangalan ang mga female athlete sa  lalong madaling panahon. 
 
"Meron akong iniisip na magkaroon kami ng mga parangal sa mga kababaihang atleta ," ani Kiram.
 
Aniya ang pinipintuhong gawad parangal ay mas naiiba kumpara sa pangkalahatang parangal na ibinibigay ng PSC sa mga atleta. 
 
Sa mga nakalipas na taon tumaas ang bilang ng mga atletang babae na naghatag ng glorya sa bansa. 
 
Ang pinakatampok dito ay si weightlifter Hidilyn Diaz na bumuhat ng medalyang pilak sa  2016 Olympics sa Rio De Janeiro, Brazil.
 
Nakalipas dalawang taon, muling pinangunahan ni Diaz ang pagkupit ng ginto ng Pinas sa Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
 
Ang 2018 Asian Games ang nagbigay din ng pagkilala kay skateboarder Margielyn Didal, gayundin ang mga golfer na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Kaye Go na pawang humakot ng gold medal, kung saan lahat ng apat na golds ay galing sa mga atletang babaeng ito. 
 
Sa 2019 Southeast Asian Games kung saan host ang Pilipinas, naging masipag din sina taekwondo jin Pauline Lopez at second generation athlete Jamie Lim ng karatedo at marami pang ibang kababaihang nagbigay ng karangalan sa bansa. (LP/PNA)
 
photo courtesy :abscbn