LTFRB: UV Express bibiyahe  na sa 47 ruta sa Kamaynilaan   

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

LTFRB: UV Express bibiyahe  na sa 47 ruta sa Kamaynilaan   

MANILA – Matapos ang halos luhod na pagmamakaawa ng mga driver sa halos tatlong buwang pagkatengga sa mga garahe,  inihayag ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na puwede nang bumiyahe ang may  980 UV Express units  sa Kamaynilaan at karatig probinsiya na lalarga sa may  47 mga ruta simula ngayon,  Lunes (Hunyo 29).
 
Sinabi ni LTFRB Chairman Martin Delgra na ang mga aprubadong panuntunan ay nakalaan sa pagbiyahe ng 980 UV Express sa 47 mga ruta ay nakasalig sa  gradual, calibrated at calculated approach ng Department of Transportation (DOTr) para sa muling pagbabalik ng mga  public transportation sa Metro Manila sa gitna ng  General Community Quarantine (GCQ).
 
Gayunman, sinabi ni  Delgra  na hindi nila isinaisantabi ang posibilidad na pagtalaga pa ng karagdagang  moderno at traditional jeepneys sa bandang huli para mapunan ang operasyon ng 980 UV Express units depende sa dami ng mga pasahero.
 
Gayundin,  umapela si Delgra sa mga operator at driver ny UV Express na mahigpit na sumunod sa mga  alituntunin na itinakda sa ilalim ng mga nakasaad sa LTFRB Memorandum Circular   2020-025 UV express routes ay kailangang terminal-to-terminal, panatilihin ang no pick up at drop off ng mga pasahero, at hindi dadaan o bumiyahe sa Edsa at Commonwealth Avenue, maliban sa pagtawid.
 
Idiniin din niya na ang  existing UV Express fare rate na PHP2 per kilometer ay mananatili at walang anumang fare adjustment ang gagawin maliban kung inaprubahan ng  LTFRB.(LP/PNA)