Pasig City –Sa hangaring matulungan ang mga residente sa epekto ng stress at pagkabalisa dulot ng mapaminsalang coronavirus disease (Covid-19) pandemic, nagsagawa ang Barangay San Antonio sa Pasig ng webinar nitong Miyerkoles bilang unang nayon sa lungsod na gawin ang naturang inisyatiba.
Sinabi ni Brgy. Chairman Raymond Lising, maraming residente ang nakinig sa kanilang resource speaker via Facebook Live.
Ang isang oras na webinar ay naglalayong bigyan ng ideya ang nga tao sa mga istratehiya at panukat para maabatan ang panganib gaya ng pagkalungkot kaisipang pangkalusugan, stress at depressive disorders na minsa'y nauuwi na saktan ang sarili.
Ang tema ng online talk: “Emotional and Mental Wellness: Bouncing Back”, ay pinangasiwaan ni Carelle Mangaliag-Herrera, isang neuro-linguistic programming at eksperto sa neuroscience.
Si Herrera ay CEO at presidente ng TrainStation Inc., isang motivational marketing company na espesyalista sa corporate at public training workshops for organizational development and personal enhancement.
Sa panahon ng infectious disease outbreak, ang kalusugan at mental wellness ay dapat mabigyan ng espesyal na oras dahil ito'y posibleng mauwi sa stress, depression, breakdown o kaya'y suicide.
“For more than three months we are experiencing the Covid-19 pandemic, others are confronting extreme stress, lost their jobs and businesses, confined at home, living far from their families, struggling financially and among others, so we come up with this discussion to help vulnerable individuals cope with emotional and mental issues,” sinabi ni Lising .(LP)