GAB magkakapit-bisig sa DOH sa gitna ng pandemya

Latest News

Latest Reviews

UAAP Boy's Basketball :NU Nazareth School preserved its clean slate over Baby Falcons

Basketball  Reigning titlist National University-Nazareth School preserved its immaculate record after...

Cheerdance Competition : NU Pep wins

Cheerdance   After its title conquest a year ago, the National University Pep Squad defended its throne...

Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas, 48-46

    Fatima Quiapo towed Far Eastern University to a knockout game against University of Santo Tomas with a...

Popular News

Pangilinan depressed over frat’s attempted murder

A grandson of Senator Francis “Kiko” Pangilinan is suffering from severe depression now after news of...

Vasyl Lomachenko vs. Orlando Salido II targeted for early August

The rematch between WBO super featherweight champion Vasyl Lomachenko (8-1, 6 KOs) and former two...

Cris Cyborg cashes $500,000 for first title defense

UFC women’s featherweight champion Cris Cyborg led the disclosed payroll at UFC 219, earning...

GAB magkakapit-bisig sa DOH sa gitna ng pandemya

MANILA - Seryoso ang Games and Amusement Board na makipagbalikatan  sa Department of Health (DOH) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nakasentro sa programa para labanan ang COVID-19 para maisalba  ang  mga Pinoy pro athletes sa hikahos ng pamumuhay gayundin sa iba pang lisensiyadong individual sa pro sports.

 

Sinabi ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na umapela ang ahensiya, kasama sina Commissioner Ed Trinidad at Mar Masanguid para  maibalik unti-unti ang kabuhayan ng sektor ng pro sports na labis  ding naapektuhan nang ipinatupad na quarantrine.

 

Batay sa datos ng GAB, may 18 pro sports event ang naipatigil sa loob ng tatlong buwang pakikipaglaban ng pamahalaan para maabatan ang pandemya.

 

Naisumite ng GAB kamakailan ang 59-pahinang dokumento sa IATF na naglalaman ng mga suhestyon para maibalik ang pro sports alinsunod sa medical at safety protocols na binuo ng GAB Medical Section, Boxing at iba pang combat sports division, Professional basketball at mga pro games division, horse betting division, Philippine Football Federation, Philippine Basketball Association, boxing promoters at managers.

 

Ikinagalak namang tinanggap ng IATF ang naturang dokumento at binigyan ng pagkakataon si Mitra na personal itong ipaliwanag sa isinagawang online video teleconferencing.

 

Ginamit ng GAB ang apat na ‘virtual simulators’ upang maipakita ang posibleng kaganapan sa muling pagbabalik ng PBA workouts at football games alinsunod sa  proposed health and safety procedures.

 

Inutusan ng IATF si Mitra na kagyat na makipag-ugnayan sa DOH Technical Working Group upang magawa ang ‘draft’ para sa “Joint Administrative Order for the purpose of promulgating health and safety protocols for professional sports in accordance with the existing minimum health and safety guidelines published by the DOH”.

 

Sa inisyal na rekomendasyon ng DOH sa IATF,hiniling nito na limitahan ang pagsasagawa ng contact sports tournaments, games, at match habang wala pang epektibong medisina laban sa  Covid-19.

 

"Whatever decision that the IATF will make, we will surely support and follow them," ani Mitra.

 

Kabilang sa nakibahagi sa telecon at nakarinig sa pahayag ng GAB sina IATF Chairperson and DOH Secretary Francisco Duque, gayundin sina  IATF Co-Chairperson Secretary Karlo Nograles, DILG Secretary Ano, DICT Secretary Gringo Honasan, DOLE Secretary Belo, at iba pang miyembro ng IATF.(LP)