MANILA, Philippines — Ipagpapatuloy lang ni Gymnastics ace Carlos Yulo ang kanyang ibayong ensayo sa Japan hanggang pagsapit sa naiurong na Tokyo Olympics sa 2021.
Inaasahan ding makatutulong kay Yulo ang ekstrang 'sang taon para higit na mapalakas ang kanyang armada pagdating ng laban.
Mas malimit na nakabase si Yulo sa Tokyo mula 2015, na nasa ilalim ng pagmando ni Japanese coach Munehiro Kugiyama, sa programang inisyal na puntirya ng kanyang pormado para sa 2020 Games.
“If Caloy will return here (Philippines), walang mangyayari (nothing will happen), so he has to be there (Japan). He has to be with the best so that he will improve some more,” ani Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion sa STAR.
Inaasahan ni Carrion si Yulo na hindi lang higit na matalas sa kanyang 'wisyo sa kanyang floor exercise event, kung saan matikas na nanalo ng gold sa nakaraang taong World Championship, pero gayundin ang maging major contender sa vault at parallel bar events sa Tokyo.
“With one year extra, we’re not only aiming at the floor. We’re also aiming at the vault and parallel bars. I think he’ll be in the finals of parallel bars, which in the Olympics is a big thing already. In vault, he could be silver, and in floor, he has to be gold,” ani Carrion. (PHILSTAR)