Sinabi ni Deputy Speaker Michael Romero na ang NAS ay makakapagpalakas ng espiritu ng national athletes at aspiring sports heroes sa bansa na gustong ipagpatuloy ang training sa kanilang mga tahanan at nakahiwalay sa iba para maiwasan ang pagkakasakit.
Ani Romero ang Department of Education (DepEd) ay maaring kumuha ng governing board organized, i-work out ang mga detalye, paglikha ng sistema, pagdesenyo ng academic programs, at pagkuha ng pondo habang naghihintay ang atleta para sa pahayag ng gobyerno ukol sa krisis pangkalusugan.
“By the time everyone who needs to be vaccinated for Covid-19 (is) inoculated, the NAS should be able to formally open its doors to welcome its first students,” aniya. “We must get this right. This NAS (system) is a crucial component of our national goal to win golds at the Olympics and reign supreme in world championships.”
Ani Romero susunod na mayoryang hakbang ay ang paglikha ng sports state university.
“However, if the government is unable to establish and operate a sports university soon, I am hoping the private sector can come together to build the country's first private sports university,” aniya.
Nilagdaan ni PDigong ang Republic Act (RA) 11470 na lilikha ng NAS sa isang simpleng seremonya sa Davao City nitong Hunyo 9.
Sa pagpundar ng NAS, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang bansa ay kayang kumalap ng student-athletes’ competitiveness sa larangan ng palakasan at makadiskubre ng mga world-class athlete sa hinaharap.
Sa ilalim ng bagong batas, ang NAS ay inaatasang magpatupad ng secondary education program na nakapako alinsunod sa special curriculum on sports para matulungan ang mga bagitong Filipino athletes na higit na madebelop ang kanilang sporting skills.
Ang RA 11470 gumagarantiya ng full scholarship sa qualified student-athletes.
Ang main campus ng NAS ay nakapundar sa bagong konstruksiyong New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.
Ayon sa batas, ang sports academy ay armado ng mga kinakailangang sports facilities, housing, at iba pang amenities na batay sa kasalukuyang international standards.
Mga school building na may sapat na bilang ng silid aralan at pasilidad ay papandayin din sa loob ng complex.
Ang DepEd, sa masinop na koordinasyon sa Philippine Sports Commission (PSC), ay inatasang ma-develop ang athletic skills at talento ng mag -aaral sa mga pasilidad na sumasang-ayon sa international standards. (LP/PNA)